A/N:
Good morning, everyone! :)
I'm back!!! And I am very sorry again for the very long wait! Huhuhu. Anyways, enjoy Chapter 57 ~ 😊Vote if you want.
Comment if you like.
Follow if you desire.========================================================================
Chapter 57: Starting Over
MIKAELA THERESE's POV
MANILA, PHILIPPINES
“Therese.” Narinig kong tawag sakin ni Tristan kaya napatingin ako sa kanya at laking gulat ko na lang ng bigla niya kong hatakin palapit sa kanya bago niya hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
“Kasasabi ko lang na wag kang lalayo sakin, di ba?” Sabi niya sakin bago niya kinuha yung luggage na dala ko. Napatango na lang ako sa kanya habang magkahawak kamay kaming naglalakad. Sa totoo lang, simula nang dumalaw kami kay kuya Xavier ay ang laki na ng pinagbago niya. Hindi ko man alam kung paano sila nagkabati dahil wala naman naiku-kwento si Tristan sakin pero laking pasasalamat ko at maganda ang kinalabasan ng pagdalaw namin kay kuya Xavier. Napatingin ako kay Tristan na seryosong naglalakad kasabay ko habang yung ibang mga tao ay napapatingin sa amin. Hehehe. Alam ko na kung bakit…
“Therese…” Tawag niya bigla sa pangalan ko.
“Bakit, Tristan?”
“May tanong lang ako. Bakit kailangan mo pang mag-salamin? At bakit ka nagsa-salamin?” Tanong niya sakin. Hehehe. Yes, naka-salamin nga ko ulit ngayon.
“Medyo malabo talaga ang mata ko. 75 ang grado ng mata ko pero hindi naman yun worse.”
“Then bakit ka nga nagsa-salamin?” Tanong niya sakin.
“Wala lang…”
“Di nga? Yung totoo? Para mag-mukha kang nerd?” Tanong niya sakin bago siya lumingon at tumango naman ako.
“Tsk. What for? I don’t get it.” Inis niyang sabi na ikinabuntong hininga ko na lang. Ang totoong rason ko talaga kung bakit ako naka-salamin ay dahil sa medyo malabo na nga rin ang paningin ko plus…
“Seloso ka rin kasi.” Bulong ko na ikinalingon niya sakin.
“What did you say?” Kunot noong tanong niya na ikina-iling ko lang sabay ngiti.
“Ang sabi ko, trip ko lang.” Nakangiting sabi ko na ikinatango na lang niya. Napahinga na lang ako ng malalim. Hay… Pero sa totoo lang? Isa sa rason kung bakit ako nagsalamin ay dahil masyadong seloso si Tristan. Madalas siyang magalit pag may kausap akong lalaki kahit hindi pa kami kasal nun kaya ayan si ako, gumawa ng paraan para hindi na magalit sakin si Tristan kasi nga mahal ko na siya nun. Ang kaso, ang init parin ng ulo niya sakin nun hanggang sa ikasal nga kami.
“Tristan.” Tawag ko sa pangalan niya bago kami tumigil dito sa may bench sa airport at umupo habang hinihintay si Micchi. Yes, kasabay namin si Micchi.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸
RomanceNot an ordinary unrequited love story. This is a story of love, second chances and forgiveness. Can true love turn into a deep obsession? Can true love forgets and heals the memories of the past? And how far can you go just to protect the one you lo...