A/N:
Good morning!!!! :D
Chapter 58 is finally here ~ Enjoy reading! ❤Vote if you want.
Comment if you like.
Follow if you desire.========================================================================
Chapter 58: Reunited
MIKAELA THERESE’s POV
“Grabe ka girl. Ang tagal nating di nagkita!” Medyo nagtatampong sabi ni Roselle habang nakayakap sa kabilang gilid ko. Hehehe. Lunch namin ngayon...ay hindi, ilang minuto na lang pala ay matatapos na ang lunch namin at nandito na kami ngayon sa gymnasium dahil ito na ang next class namin after lunch. Actually, nag-aalala nga ko kung paano ako gagawa ng dahilan para mamaya. Alam niyo namang walang nakakaalam na kasal na ako at higit sa lahat ay walang nakakaalam na buntis ako ngayon. Hay… Ano kayang sasabihin ko sa teacher namin? Hay... Nasaan na ba kasi sila Tristan? Bakit ang tagal naman nilang magbihis?
“Oo nga! Di mo ba kami namiss, Tere?” Nagtatampong tanong rin ni Shine sakin habang nakayakap naman sa kabilang gilid ko. Napailing na lang ako bago sila yakapin ng mahigpit.
“Ano ba kayo. Syempre naman namiss ko kayo ‘no.” Sabi ko sa kanila habang niyayakap ng mahigpit. Pero seryoso, namiss ko talaga sila Roselle at Shine. Hay… Sana makapagbonding ulit kami tulad nung dati. BFF ko kaya ‘tong dalawang ‘to.
“Nga pala, Tere may balitang kumakalat sa campus.” Narinig kong sabi ni Shine bago nila ako hatakin papunta sa bench dito sa gymnasium.
“Ano yun?” Tanong ko sa kanila bago kami umupo. Tungkol naman saan?
“Yung dating Campus Nerd daw ay naging Campus Mr. Popular’s Girl na daw ngayon!” Mahinang sabi niya sakin na ikinagulat ko. Ano?
“At kumakalat din na ikaw daw ang lumandi kay Tristan.” Bulong sakin ni Roselle. What!?
“A-ako?” Tanong ko sa kanila at sabay silang tumango.
“Ang harsh lang, ‘di ba? Ikaw talaga yung lumandi sa kanya eh sa pagkakaalala ko eh siya itong malandi.” Medyo inis na sabi ni Shine.
“Shine naman.” Tanging nasabi ko na lang. Oo, ganon siya dati pero nagbago na si Tristan…
“Bakit? Totoo naman hah. Hindi ko yun babawiin, Therese.” Medyo suplada niyang sabi sakin na ikinabuntong hininga ko na lang.
“Sino naman kaya kasing bruhilda ang nagpakalat nun? Naku, ginigigil niya ko.” Taas kilay na sabi ni Roselle habang nakahalukipkip sa tabi ko.
“Paano mo naman nasabi na babae yung nagpakalat ng issue na yun, kambal?” Takang tanong ni Shine kay Roselle. Oo nga…
BINABASA MO ANG
Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸
RomansaNot an ordinary unrequited love story. This is a story of love, second chances and forgiveness. Can true love turn into a deep obsession? Can true love forgets and heals the memories of the past? And how far can you go just to protect the one you lo...