Chapter 35: Annoying Seatmate

4.4K 97 1
                                    

A/N:

Hi everyone! Eto na po ang UD ko for this week. Mamaya na ako mage-explain dahil alam kong kailangan ko pang bumawi sa inyo. :) Thanks for waiting. :)

Vote if you want.

Comment if you like.

Follow if you desire.

=============================================================================

Chapter 35: Annoying Seatmate

MIKAELA THERESE's POV

"Feena! Pahiram ng notebook! Wala pa kong assignment eh!"

"Ano? Nung thursday pa binigay ni sir 'yun ha."

"Eh kasi naman ang hirap! Tsaka, tinatamad pa ko 'no! Bilis na!" tignan mo 'tong mga 'to. Tatlong araw na palang naibigay tapos hindi pa ginagawa. Ang matindi pa, kung sino pa ang mangongopya eh siya pa 'tong demanding. Hay! Talaga naman oh.

"Tere." napalingon ako sa malambing na pagtawag sakin ni Roselle na muhkang alam ko na kung anong sasabihin or should I say, hihingin na pabor.

"Bakit?"

"Pakopya naman oh. Please?" si Sunshine na nakangiti pa. Napailing na lang ako. Hindi talaga ako makapaniwala sa dalawang 'to. Hay...

"Oh. Hindi ako sure diyan ha."

"Weh? Lagi ka ngang tama sa assignments eh! Siguro nagpapaturo ka kay papa T 'no?" pang-aasar ni Roselle nang makuha na niya 'yung notebook ko. Ay, grabe talaga. Bakit ba ganito 'tong mga 'to?

"Anong papa T? Tumigil nga kayo. Ngayon ko na nga lang ulit kayo makakasama tapos, ginaganyan niyo pa ko." ako sabay yuko sa armchair ko. Nakakaasar naman kasi! Ewan ko ba sa timang na Tristan na 'yun. Magalit ba sakin? Bakit? Ako ba ang may kasalanan kung bakit ako nagalit ng ganon? Ako ba 'yung ungentleman samin? Ako ba 'yung mahangin at mayabang? Nakakaasar! Akala mo naman kasi kung sinong ka-gwapuhan! Agh!

"Ay, Tere may itatanong ako." narinig kong sabi ni Roselle. Ano naman kaya 'yun?

"Ano naman?"

"Bakit ganyan itsura mo ngayon?" nangunot ang noo ko at saka nag-angat ng ulo at tinitigan sila.

"Bakit? May mali ba?"

"Oo. Malaking malaki." lalong nangunot ang noo ko. Bakit?

"Bakit? Kasi, ang ganda mo. Aminin mo nga, may nangyari na ba sa inyo ni papa T?" nanlaki ang mata ko sa narinig ko mula kay Roselle. Ano!?

"W-what!?" a-ano bang sinasabi nila? Nababaliw na ba sila? Naramdaman kong may mga mata ng nakatingin samin kaya napayuko na lang ako sa armchair ko. Ano ba? Ang lakas ng boses nila! Nakakainis!

"Ano bang problema ha? Sabihin mo kasi! Ano bang nangyari? Bilis na! Para naman hindi ka na namin asarin. Bilis!" ang kulit! Napa-angat ako ng ulo at tumayo. Alam kong nasa amin lahat ng atensyon nila at hindi ko gusto 'yon kaya hinatak ko sila patayo at saka hinala palabas ng classroom. 'tong mga 'to talaga! Hay!

"ANO!?" napairap na lang ako sa sagot nila. Seriously? Kailangang ganun talaga sila mag-react?

"Totoo ba!?" si Roselle na sobra na ang ginagawang pag-alog sakin. Ano ko? Piggy bank na inaalog para may lumabas na barya?

Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon