Chapter 25: Regret

4.5K 85 8
                                    

A/N:

Vote, Comment, Follow Guys.

=============================================================================

Chapter 25: Regret

TRISTAN VINCENT's POV

*kring kring*

Agh! Bwiset na cellphone 'yan. Ang aga aga nambubulahaw. Dahan dahan ko itong inabot sa side table ko at sinagot. Ang sakit sa ulo. Ang dami ko kasing nainom kagabi. Agh!

"Hello?" antok kong sabi. Gusto ko pang matulog.

[Mr. Zaragoza, alam mo ba kung anong oras na?]

napadilat ako ng isang mata. Sino ba 'to?

"Sino ka ba?" bwiset kong sabi na nakahiga parin.

[Emmanuel Mercado.]

at 'dun na ko napabangon agad. Hindi ugali ni Emman ang tumawag ng ganito kaaga...ang ibig sabihin...LATE NA KO! Tatayo na sana ako ng biglang may naramdaman akong kakaiba. Napatingin ako sa sarili ko at nagulat ako sa nakita ko. Hindi naman ako natutulog ng nakahubad ah. Dahil kaya sa kalasingan ko? Bigla akong kinabahan. Hindi naman siguro tama 'yung naiisip ko 'di ba? Medyo nakatagilid kasi ako ngayon kaya hindi ko siya masyadong kita. Napalunok na lang ako bago lumingon sa tabi ko and that move wakes me up. H************! Napamura ako sa sarili ko. May nangyari samin? **********! Napasabunot ako sa buhok ko. This can't be happening!

[Ano? May balak pa ba kayong pumasok o absent na lang kayo?]

"P-papasok ako." sabay baba ko ng tawag. Nasabunot ko na lang ng dalawang kamay ang buhok ko. Ano bang nangyari? Bakit wala akong matandaan? May nangyari ba talaga? S*******! T*******! Pangalawang beses na 'to ah! H************!

MIKAELA THERESE's POV

Nagising ako sa matinding sikat ng araw. 'teka, bakit sobra naman atang liwanag? Tanghali na ba? Kinapa ko ang kabilang gilid ko kasi nakatalikod ako at hindi masyado makagalaw pero wala akong nakapa. Asan siya? Dahan dahan akong gumalaw at umupo sa higaan. Aray. Nakakainis naman. Ang sakit sobra. Hinanap ng mga mata ko si Tristan pero parang wala siya. Ang tahimik ng bahay. Sobra. Baka nasa baba lang siya. Napalingon ako sa side table ko at halos lumuwa na ang mga mata ko sa nakita ko. Totoo ba 'to? 11:07 am na? OMG! Kinuha ko agad ang cellphone ko sa bag kong naiwan sa gilid ng kama kagabi at tinignan. Napapikit na lang ako. Ang dami ng text messages galing sa kanila. Overload ang inbox ko.

12 messages & 2 missed calls-Roselle

6 messages & 15 missed calls-Sunshine

10 messages & 10 missed calls-Emmanuel

15 messages & 88 missed calls-Drake

9 messages & 50 missed calls-Star

10 messages & 6 missed calls-Warren

1 message & 2 missed calls-Martin

4 missed calls-Jerome

66 messages & 99 missed calls-Jomaru

Kitam? Daig ko pa ang nawawala. Dahil na-curious ako sa text ni Martin kasi nag-iisa lang kaya inuna ko na itong binuksan at napataas ang kilay ko sa tinext niya.

Fr:Martin Santos

Anong nangyari? Bakit hindi ka pumasok? Nag-aalala na kasi kami eh. Sinigawan ka ba ng mokong kagabi? May nasabi ba siyang masakit sayo kagabi? Sinaktan ka na naman ba? 'teka, baka inaway ka niya! Text ka naman. Nag-aalala na kasi talaga kami eh. P.S. nga pala, 'wag ka sakin mag-reply kung una mo 'tong mababasa kasi nangutang lang ako sa globe eh kaya wala na kong load.

Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon