A/N:
At dahil nage-enjoy ako masyado ay magu-UD ako. Hahaha! Sana naman may magbasa. Please! Just give it a shot! Try niyo lang naman. :)
=============================================================================
Chapter 02: Campus Nerd to House Wife
MIKAELA THERESE's POV
"Hmm!" inat ko ng matapos ang klase. Nakakapagod at katulad ng nabanggit ko kanina nagkaroon nga kami ng quizzes at katulad ng dati kumopya na naman ang kambal sakin. Napatingin ako bigla sa katabi ko. Alam niyo, kanina ko pa napapansin na panay ang tingin ni Drake sakin. Kanina nga nung nailang na ko tumingin ako sa kanya at ngiti lang ang isinagot niya. 'yung totoo. Ang creepy niya ngayon. Halos hindi na yata siya nakikinig kanina.
"Anong problema? Kanina ka pa nakatingin ah."
"Wala." nakangiting sabi nito sakin na nakapukaw ng pansin ng kambal.
"UUUYYY!!!" sabay na sigaw ng kambal habang nag-aayos ng gamit nila na nakakuha ng pansin ng lahat and I guess pati ang grupo nila Tristan. Almost 10 na lang kami sa classroom ngayon kaya masyadong agaw eksena ang mga hirit ng kambal na 'to.
"Anong uy ka diyan? Mga sira." depensa ko. Nakakatakot kasi magalit si Tristan. Lagi niya kasing sinasabi na ayaw niya ng malandi. Although hindi naman ako nanlalandi nasasaktan parin ako kaya better to stop this now kesa naman ako na naman ang yari mamaya.
"Weh? 'yung totoo? HAHAHA!!!" napailing na lang kaming dalawa ni Drake habang sila Tristan naman ay tahimik lang. Palihim ko kasi silang tinitignan eh. Wala lang trip ko lang.
"Ang hirap talagang maging gwapo 'no?" pang-aasar ni Drake sakin nang sumingit si Tristan sa usapan nila.
"Pathetic. Halika na at nang maka-uwi na tayo." sabay labas ng classroom at kalabog ng pinto. Nagka-tinginan kaming pito habang sinusundan ng tingin si Tristan. Muhkang iba na naman ang intindi niya.
"Tsk. Ang yabang ng mga tao ngayon." singit ni Drake ng makaalis na ang iba naming kaklase. Muhkang mahihirapan na naman ako nito pag-uwi. Hay!
"Anong problema ni Papa Tristan?" sabay na sabi ng kambal.
"'di ako sure eh." si Martin habang tulala parin sa nangyari.
"Tinotopak na naman." si Emmanuel na nakapamulsang nakasandal sa dingding.
"Ahm... Una na ako." singit ko sa kanila dahil alam kong iniintay narin ako ni Tristan sa labas. Akmang tatayo na sana ako nang magsalita si Jerome na nakaupo sa teacher's table sa harap. Astig 'to ah. Siga pag wala si Tristan. Tststs.
"Selos lang 'yun. Simula kasi ng hawakan ni Therese ang kamay ni Drake kanina ay nagkaganyan na 'yan. Halos basagin na nga niya ang upuan niya sa kakasuntok doon eh. Napapatingin na nga lang 'yung mga katabi namin. Nung nag-lecture naman si sir. Fuentes sa sobrang higpit at diin niya sa pagsusulat ay nabali na niya 'yung ballpen na hiniram niya pa sakin. Nakakaawa nga ang ballpen kong 'yon eh. Imagine, pinahiram ko lang ay nasira na siya. Ipagtitirik ko nga mamaya ng kandila. Tapos nung mag-forth subject pagkatapos ng break nagkaroon tayo ng quiz halos hindi ko na ma-check-an 'yung papel niya dahil sa sobrang lukot and imagine, pencil at 1/4 sheet of paper pa ang ginamit niya dahil wala na kong extra ballpen dahil binali nga niya 'yung extra ko kaya lalo akong nahirapan sa pagche-check. Halos lumabas na nga ang mga mata ko sa kakapilit basahin eh at e'to ang pinaka-matindi sa lahat, nung mag-P.E. subject tayo. Halos bumigay na 'yung soccer ball sa sobrang sipa niya at halos mabali na niya 'yung tennis racket sa lakas ng pagkakahataw niya at 'yung tennis ball naman ay halos sumabog na sa sobrang lakas ng impact ng pagkakahampas niya. Kawawa talaga lahat ng nahahawakan niya kapag galit siya pero iba ang galit niya kapag tungkol kay Therese ang pinag-uusapan. Siguro kung nakakapagsalita lang ang mga bagay na nahahawakan niya ay malamang sa malamang ay gumanti narin 'yun sa kanya. Kaya nga ang balak ko ay ipagtirik lahat ng nasira niya at baka balikan kami. Hay... Kawawa din pala ang mga nakakatabi niya dahil panigurado matatakot ng husto sa kanya. Kung hindi lang ako sanay baka matagal na kong na-trauma sa mga pinag-gagawa niyan. Hay... Kaya suggest lang Therese, 'wag ka ng lumapit o makipag-close sa iba dahil baka kapag nangyari pa 'yun. Baka pati kami madamay sa ka-bad trip-an niya. Katakot kaya." nakanganga lang kaming nakatingin at nakikinig sa sinabi ni Jerome. Hindi nga? He must be joking.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸
RomanceNot an ordinary unrequited love story. This is a story of love, second chances and forgiveness. Can true love turn into a deep obsession? Can true love forgets and heals the memories of the past? And how far can you go just to protect the one you lo...