A/N:
Good Morning guys! Eto na po ang UpDate ko. Thanks for waiting. :)
Vote if you want.
Comment if you like.
Follow if you desire.
=============================================================================
Chapter 32: Annoying Night
EMMANUEL ANGELO's POV
"Its all about the person behind the issue between you and Therese." napatigil sila sa kakaingay ng bigla akong nagsalita. And I can see the confusion through their eyes.
"What do you mean?" seryosong tanong ni Tristan sakin. How nice at hindi na siya masyadong slow. Naglakad ako papuntang bench at umupo. Kanina pa kasi ako nakatayo at nangangalay na ko. Sinundan lang nila ako ng tingin. Tingin na alam kong isang maling sagot ko. Hindi na ko makakabalik sa loob ng buhay. Napangisi ako. Tignan mo 'tong mga 'to. Basta pag dating kay Therese natatahimik sila. Hindi ko tuloy alam kung sino sino ang may gusto kay Therese. Hay...
"Speak." si Jerome na titig na titig sakin. He looks like he was ready to kill someone.
"Who is it, Emman?" si Martin na biglang sumeryoso. Did I already mention before na when it comes to Therese, we always take it seriously? That's how important Therese to us.
"Oh come on! Stop being silent even for once, Emman and speak! You've started it so finished it! What do you mean by that!?" iritang sigaw sakin ni Drake na ikinakunot ng noo ko. So, sinisigawan na niya ko ngayon? Seryoso ko siyang tinitigan kaya napabuntong hininga na lang siya. He knows that I don't like what he just did. Like I said, I'm second to the highest in this group.
"Actually, he's someone near us. Someone who wants to destroy us...our relationship with Therese." at lalong nangunot ang mga noo nila sa sinabi ko habang ako napatingin na lang sa kawalan. Weird, right? Medyo nagulat din naman ako ng sabihin niya 'yun sakin at lalo akong nagulo at nabahala ng may sinabi siya sakin na nagpagulo lalo sa magulo kong isipan.
=====FLASHBACK=====
"Fine. But I need it before dawn." at saka ko binabaan 'yung kausap ko sa cellphone ko. Napahinga ako ng malalim sabay sandal sa swivel chair ko. Nakaka-stress naman. Ang sakit naman sa ulo nito. Kakatapos ko lang ng pangatlo kong meeting ngayong araw tapos e'to at tatawag 'yung hired Private Investigator kong walang kwenta. Hay naman! Hindi pa nga kami tapos para sa preparation namin para sa acqauitance, sumasabay pa 'tong bwiset na kumpanya na 'to at 'yung P.I na na-hire ko. Agh! Nahilamos ko ang palad ko sa muhka ko sa asar. Nakakapagod na talaga! Sana lang, pagtawag niya mamaya siguraduhin niyang meron na siyang nahanap na impormasyon dahil kung wala parin. Hindi ko na alam pa ang gagawin ko sa taong 'yun. Nabalik lang ako sa realidad ng biglang tumunog 'yung intercom ko.
"Yes."
[Sir may naghahanap po sa inyo.]
nangunot ang noo ko. May meeting pa ba ako? Pero, naghahanap eh. So that means, wala siya sa list ng mga ka-meeting ko ngayon.
"Talaga? Naka-sched ba siya?"
[Sir wa---Bespren! Papasukin mo ko at may sasabihin ako sayo. May kasama rin ako!]
nangunot lalo noo ko. Boses pa lang, alam na alam ko na kung sino siya. Hay! Kakasabi ko lang na pagod na ko tapos e'to siya mambubwiset na naman sakin? Ano na naman kaya ang nakain nito?
"Paalisin mo siya, Dae." sabi ko sa sekretarya ko at papatayin ko na sana ng magsalita si kumag na kumuha ng atensyon ko.
[About 'to sa inutos sakin ni master Martin.]
BINABASA MO ANG
Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸
RomanceNot an ordinary unrequited love story. This is a story of love, second chances and forgiveness. Can true love turn into a deep obsession? Can true love forgets and heals the memories of the past? And how far can you go just to protect the one you lo...