A/N:
Good evening everyone. :) To be honest, hindi ko talaga alam kung kakayanin ko ba talagang mag-update this day kasi sobrang pagod na talaga ako physically and at the same time, pati utak ko pagod narin kaya nga I've decided na sa June 1 na lang ako mag-update ng lahat ng stories ko...
...pero dahil sa isa kong reader ng CNMTMP na nag message sakin na mag-update na ko...
...let's just say, I can't say 'no' to her request kasi naranasan ko narin maging isang reader so...
Here's the chapter you all waiting for ~ :D
Enjoy reading ~
Don't be afraid to comment down your thoughts about CNMTMP.
Mabait po ko. Promise. :D
Another thing, sorry po sa mga errors. Hindi ko pa po ito na-e-edit. :)
Vote if you want.
Comment if you like.
Follow if you desire.
=============================================================================
Chapter 43: Getting Her Back
TRISTAN VINCENT's POV
Nasa taas na kami ngayon habang pinapakalma ako ni Therese. Nakaupo ako sa higaan habang si Therese hinihimas yung likod ko.
"Okay ka na ba?" tanong niya sakin na ikinatango ko lang. G**** yun ah. Anong ginagawa niya dito? Bakit bumalik pa siya? Bakit niya pa kailangan guluhin yung buhay ko?
"Kalmado ka talaga ng lagay na yan? Nanginginig yung kamay mo oh." sita ni Therese sakin sabay hawak sa kamay ko. Napatingin ako sa kamay ko at nakita ko nga itong nanginginig habang nakakuyom ng mahigpit. Kanina pa ba ako ganito?
"Kumalma ka nga, Tristan. Mamaya niyan mag-collapse ka na lang dito." mahinahong sabi sakin ni Therese pero halata naman sa mukha niyang hindi siya okay.
"Maligo ka nga muna at nang kumalma ka. Saglit, kukuha lang ako ng pamamalit---" tatayo na sana siya sa kama ng bigla ko siyang niyakap.
"Tristan, saglit---"
"For a moment." garalgal kong sabi sa kanya and for some reasons, I felt my tears escaped to my eyes. Bakit ganon? Bakit ang sakit? Bakit parang binibiyak yung puso ko ngayon? Bakit sobrang lakas ng tibok nito ngayon? Bakit parang gusto kong umiyak sa sakit na nararamdaman ko? Ano bang nangyayari sakin?
"T-tristan, bakit ka umiiyak? Tristan..." nag-aalalang tanong ni Therese sakin. Napailing na lang ako habang ramdam ko parin yung luhang patuloy na tumutulo sa mga mata ko.
"Wag mo muna kong iwan. Please, Therese... Please..." sabi ko sa kanya habang umiiyak. Nahihirapan narin akong huminga. Bakit ganito? Bakit parang sasabog yung puso ko sa inis, sa galit at...sa takot? Napapikit na lang ako habang mahigpit na niyayakap si Therese. Oo na. Natatakot na kong mawala siya sakin. Natatakot akong mawala ang asawa ko sakin... Ngayon na bumalik na si kuya...si Xavier. Natatakot akong... Natatakot akong iwan na niya ko. Natatakot akong bawiin ni kuya sakin si Therese. Hindi ko kaya. Ayoko. Napahigpit ang yakap ko kay Therese. Ayoko. Hindi ko kaya. Mamamatay ako kapag nawala si Therese sakin. Please God... Tulungan niyo ko. Ayokong mawala si Therese sakin... Ayoko...
BINABASA MO ANG
Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸
RomanceNot an ordinary unrequited love story. This is a story of love, second chances and forgiveness. Can true love turn into a deep obsession? Can true love forgets and heals the memories of the past? And how far can you go just to protect the one you lo...