A/N:
Good Evening everyone! Eto na po ang UpDate ko. Sorry kung natagalan po ang UD ko kasi po nagka-problema po ako sa health ko kaya sana maintindihan niyo kung pamisan minsan eh hindi ako makakapag-UD on time. Thanks for waiting. :)
Before I forgot...
HAPPY 19K READS TO ALL OF US GUYS!Vote if you want.
Comment if you like.
Follow if you desire.
=============================================================================
Chapter 37: First Day of Being Romeo and Juliet
MIKAELA THERESE's POV
"Grabe! Ano bang ikinagagalit mo ha, Therese?" si Roselle na napapakamot na lang ng ulo.
"Paanong hindi ako magagalit? Akala ko ba modern Romeo and Juliet? Eh bakit kailangan pa na may 'love at first sight' pa ha?" jusko naman! Hindi ko kaya 'yun 'no. Buti sana kung si Tristan ang ka-partner ko ang kaso hinde! Agh!
"Therese, 'yung panahon lang ang nagbago, hindi ang kwento." si Shine na napapakamot na lang din ng ulo. Agh!
"Oo nga. Tsaka ganon naman talaga nagkaibigan sila Romeo and Juliet. Love at First Sight." si Roselle na napapapikit pikit pa habang magkatalop ang dalawang kamay niya. Tsk. Adik.
"Pero modern na nga eh! Bakit hindi na lang gawin na magka-away muna tas biglang na-inlove si Romeo kay Juliet? Uso naman ngayon 'yon 'di ba? Wattpad pa lang nag-uumapaw na 'yung mga kwentong ganon. 'yung bang parang tom and jerry lang? Bakit ba kasi kailangan love at first sight pa ha?" dabog ko sa harap nila sabay upo sa gilid. Nakakainis! Bakit ba kailangan pa ng ganon?
"Grabe ha. Kailangan ako ang unang ma-inlove? Tsk. Ikaw na kaya ang mag-writer. Palitan mo na si Shakespeare. Kahiya naman sa'yo." biglang singit ng alien na katabi ko. Agh! Nag-uumpisa na naman po siya! 'teka nga, paano napunta 'to sa tabi ko? Nasa harap 'to kanina ah. Muhkang alien nga talaga 'tong loko na 'to.
"Hah! Feeler ka. Feeling mo talaga ikaw si Romeo 'no. Hay! Iba na talaga ang hangin ngayon. Aish." pabalang na sabi ko sa kanya sabay talikod sa kanya. Kairita ang loko.
"Hangin talaga? 'di ba pwedeng confidence muna?" aba't sinasagot pa talaga ako!
"Sobra sobra ka na nga rin sa confidence eh!" napabalik ako ng tingin sakanya atsaka siya biglang kumindat. Aba't sira ulo 'to ah. At dahil sa asar ko ay napairap na lang ako sa kanya na ikinatawa lang niya. Adik ah! Ka-bwiset talaga!
"Hahahaha!" agh! Ka-bwiset talaga!
"Okay na? Practice na tayo!" si Roselle habang inaayos 'yung mga upuan sa side ng classroom. Dito kasi kami sa classroom magp-practice. Asar naman na play 'yan oh! Hay! Ka-stress!
"Therese!" napalingon ako sa may pintuan at nakita ko na naman si Leona na may dalang bouquet of roses. Napailing na lang ako at saka ibinalik ang atensyon ko sa pagme-memorize ng mga lines ko. Asar! Hindi pa naman ako magaling sa memorizing! Hay! Bakit ba kasi sa lahat ng role ay si Juliet pa ang napunta sakin? Bakit hindi na lang ako ang naging narrator? Why?
BINABASA MO ANG
Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸
RomantizmNot an ordinary unrequited love story. This is a story of love, second chances and forgiveness. Can true love turn into a deep obsession? Can true love forgets and heals the memories of the past? And how far can you go just to protect the one you lo...