A/N:
Good evening! Here's my next update ~ ❤
Enjoy reading everyone! :DPhoto above is Stephen Marcus Reyes. :)
Vote if you want.
Comment if you like.
Follow if you desire.
=============================================================================
Chapter 52: Between Friendship and Love
WARREN's POV
G***** talaga yung Tristan na yun. Ang sabi ko umuwi na kagabi pero hindi parin ginawa. Pabagsak akong nahiga sa kama habang iniisip si Therese... Sa totoo lang kasi, kaya ako tumawag sa kanya kanina ay para lang batiin siya ang kaso hindi ko napigilan yung sarili kong magtanong at nung nalaman ko ngang hindi parin pala umuuwi si Tristan ay hindi ko na napigilan pa yung sarili kong sabihin kay Therese kung nasaan siya. Hay... Bumangon ulit ako habang nag-isip. Alam kong magagalit si Tristan sakin dahil sinabi ko kay Therese kung nasaan siya pero t******* naman kasi Tristan! Kahit sabihin mong hindi ko kayang sabihin kay Therese yung lihim mo, alam ko parin na malalaman at malalaman niya yun at masasaktan parin siya. T******* mo talaga Tristan. Gagawa ka ng kalokohan hindi mo naman pala kayang panindigan. Hay!
=====FLASHBACK 3 DAYS AGO=====
● Evening of December 22 ●Kakatapos ko lang gawin yung mga reports ko para sa meeting bukas at e'to ako ngayon halos humiga na sa swivel chair ko sa sobrang pagod. *sigh* I'm exhausted. Kanina pa kong umaga dito. Ilang araw na lang pasko na pero hanggang ngayon ay laman parin ako ng study room ko imbes na nakikipag bonding sa pamilya ko. Hay... Sira ulo kasi si kuya kung ano anong suggestion ibinibigay kanina sa meeting. Napilitan tuloy akong mag-isip ng panibagong concept mag-isa. *sigh* Pasaway ka talaga, kuya Henri. *sigh* For some reason, binuksan ko yung drawer ko dito sa study table ko and get the only picture that I have with her.
Tama bang lumayo ako sa kanya? Tama bang iniwan ko siya basta basta? Tama bang kalimutan ko na kung ano man yung nararamdaman ko para kay Therese? *sigh* Napailing na lang ako. Oo, tamang lumayo ka, Warren. Oo, tamang iniwan ko siya at oo, tamang kalimutan ko na nga ang nararamdaman ko para sa kanya. Hay! Warren gumising ka nga! May asawa yung tao! Kalimutan mo na siya! Pupunitin ko na sana yung picture namin ni Therese nang biglang pumasok si manang sa study room ko.
"Sir, may tawag po kayo." Napabuntong hininga na naman ako at saka tumango kay manang at itinago ang picture sa drawer. Hindi ko na naman natuloy. Pang-ilang beses ko na bang binalak punitin 'to? 3...? 4 times? But honestly, I don't feel like tearing it. Tumayo ako at kinuha yung cellphone kong naiwan ko pala sa sala kanina kaya manang saka siya lumabas ng study room. Napakunot ang noo ko nang makita ko kung sino yung tumatawag. Gabing gabi na hah. Anong kailangan nito?
"Hello?" Tanong ko habang naglalakad pabalik ng swivel chair ko.
[Ako 'to, Warren...] Mahina niyang sabi pero sapat lang para marinig ko. Mukha siyang may problema. Well, obvious naman dahil hindi ako tatawagan nito kung wala siyang kailangan sakin.
"Alam ko. Anong kailangan mo? Gabing gabi na, Tristan." Oo, tama kayo ng narinig. Si Tristan nga ang kausap ko ngayon at sa totoo lang...pakiramdam ko may nangyayari na naman kila Tristan at Therese.
"Hoy, Tristan..." Tawag ko ulit sa kanya pero hindi siya sumagot. Hindi naman niya ibinaba. Bigla akong nakaramdam ng kaba. May nangyari ba kay Therese?
BINABASA MO ANG
Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸
RomanceNot an ordinary unrequited love story. This is a story of love, second chances and forgiveness. Can true love turn into a deep obsession? Can true love forgets and heals the memories of the past? And how far can you go just to protect the one you lo...