A/N:
Good evening po sa inyong lahat!!!! :) I'm back ~ :D
Medyo mahaba po ang author's note sa baba dahil doon po ako nag-drama. Hahaha! Sana po basahin niyo din po ang aking kadramahan sa baba dahil may special announcements din po akong nilagay doon. Hehehe. Enjoy reading and sorry for the typos in advance. :)Vote if you want.
Comment if you like.
Follow if you desire.========================================================================
Final Chapter: Campus Nerd married to Mr.Popular
MIKAELA THERESE's POV
"Therese." Narinig kong tawag sakin ni Tristan habang naglalakad kami papasok sa school.
"Hmmm...?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ko yung suot kong pink na sweater. Medyo malamig kasi ang simoy ng hangin kahit March na. Yes, March na at isa lang ang ibig sabihin niyan... Practice na ng aming GRADUATION!!!! Nakaka excite... Ilang linggo narin ang nakalipas simula nang mangyari ang lahat ng 'yon. Ilang linggo narin ang nakakalipas simula nung huli naming nakita si Desiree. Ang totoo niyan ay binalak kong kausapin siya matapos ang lahat ng nangyari sa pagitan ng mga pamilya namin pero ang sabi ni Warren ay ayaw daw niya kaming makita muna ni Tristan at matapos ang ilang araw ay nai-kwento samin ni Warren na wala na daw ito sa bansa at kasama na niya si Marcus... Sa totoo lang ay gustong gusto ko talaga siyang makausap pero naiintindihan ko rin kung bakit niya piniling lumayo muna.
"May gagawin ka ba mamaya?" Out of the blue niyang sabi sakin na ikinailing ko lang habang naglalakad.
"Wala naman. Bakit?"
"Hindi ba may usapan kayo ni Terrence na magkikita mamaya? Tuloy ba yun?"
"Hindi na daw kasi may aasikasuhin daw siya mamaya." May usapan kasi kami ni kuya na bibisitahin sila mom at dad mamaya ang kaso sa susunod na lang daw kasi may kailangan daw siyang asikasuhin ngayong araw.
"Oh that's weird." Si Tristan habang naglalakad sa tabi ko. Napatango na lang ako. Medyo weird nga si kuya kasi hindi naman niya ugali na unahin ang ibang bagay bago ang pamilya niya...pero malay naman natin kung related parin yung ginagawa niya kina mom at dad, right?
"So, diretsong uwi ka na mamaya?" Tanong niya ulit na ikinatango ko lang. Napatingin ako sa paligid namin ng may maramdaman akong nakatingin sa amin at katulad nga ng inaasahan ay marami ngang nakatingin samin. Siya nga pala, natanggap na ko ng mga fans ni Tristan na maging girlfriend niya dahil sooner or later daw ay siguradong magigising din si Tristan at iiwan din daw niya ko... Kung alam niyo lang na asawa ko na talaga si Tristan. Hahaha!
"Oo. Bakit? Hindi ka ba sasabay sakin?" Balik kong tanong sa kanya. Bakit? May pupuntahan ba siya mamaya?
"Meron sana ang kaso wala kang kasama umuwi mamaya kaya baka di na ko tumuloy." Simpleng sabi niya sakin. Saan naman?
"Bakit? May pupuntahan ka ba mamaya?" Tanong ko ulit at napatigil na lang ako sa paglalakad nang bigla siyang napatigil sa paglalakad habang naniningkit ang mga mata niyang nakatingin sakin. Oh, bakit?
"Unang una, wala akong babae at pangalawa, may kailangan lang kaming gawin nila Emman mamaya pero kung gusto mo, pwede mo naman akong hintayin sa classroom mamaya." Sabi ni Tristan habang seryosong nakatingin sakin. Bakit, may sinabi ba ko?
"Naku, wag na... Pwede naman ako makisabay kina Shine at Roselle." Sabi ko na lang bago kami magsimula ulit maglakad.
"I insist, Therese para hindi na ko masyadong mag-alala pa, okay?" Malumanay niyang sabi sakin kaya napatango na lang ako. Syempre, ayoko namang pag-alalahanin pa siya 'no. Mahal ko kaya 'to.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸
RomanceNot an ordinary unrequited love story. This is a story of love, second chances and forgiveness. Can true love turn into a deep obsession? Can true love forgets and heals the memories of the past? And how far can you go just to protect the one you lo...