Chapter 20: Group Talk

4.6K 91 1
                                    

A/N:

Vote, Comment, Follow Guys.

=============================================================================

Chapter 20: Group Talk

MIKAELA THERESE's POV

Kanina pa ko palakad lakad dito sa salas at hanggang ngayon wala parin si Tristan. Asan na siya? Hating gabi na pero bakit wala parin siya? Ano na? Nasaan ka na ba Tristan? Biglang tumunog 'yung cellphone ko kaya agad agad ko itong sinagot.

"Tristan?"

[Bakit? Wala parin ba siya?]

napaupo na lang ako sa dismaya. Akala ko siya na.

"Sorry. Oo eh." dismayadong sagot ko. Bakit ganon? Bakit hanggang ngayon wala parin siya? Hindi naman niya 'to ginagawa dati kahit na gaano siya kagalit ah.

[Muhkang tama 'yung kutob mo, Therese.]

para akong nanlamig sa narinig ko. Hindi kaya totoo 'yung sinasabi ni Warren kanina?

"Warren naman. 'wag ka namang ganyan. Nag-aalala na nga ako eh." kabadong sabi ko. Bakit ganito? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa kung kelan okay na ang lahat? Anong nangyayari?

[Sorry. I didn't mean that. Anyway, want me to come over?]

"No! I mean, no need." pagtanggi ko. Ayoko ng makaabala pa.

[Tsk. No need? Eh parang hindi ka pa nga kumakain the way you look right now...]

the way I look like? Paano niya nasabi? Nakikita ba niya ko...through phone?

"Anong sina---"

[Anyway, nandito na kami sa labas ng bahay niyo and kindly please open the gate. E'to kasing mga kasama ko walang dalang sasakyan kaya e'to ang ending naglakad kami.]

napatayo ako ng wala sa oras at agad na binuksan ang main door para makita silang limang nasa labas ng gate at may mga dalang plastic. Para san naman 'yung plastic na 'yun? Agad kong ibinaba ang tawag at pumuntang gate para buksan.

"Anong ginagawa niyo dito ng ganitong oras?" concern kong sabi habang pinapapasok sila sa loob ng bahay. Bakit ba nandito sila sa disoras ng gabi?

"Siguro iniisip mo kung bakit kami nandito. Don't worry, walang tulad mo na naghihintay samin sa mga condo namin kaya no worries kung kailan namin gustong magpunta dito and besides, kasama naman nila ako kaya walang dahilan para magselos o magalit ang Tristan na 'yun na hanggang ngayon nawawala parin." mahabang litanyang sabi ni Emmanuel. Napakagat ako ng labi. Nasaan ka na ba Tristan?

"Anyway, gusto mong kumain Therese? Bumili kami sa fastfood kanina. Alam mo, ang sarap nito---" masiglang sabi ni Martin ng bigla itong siningitan ni Drake.

"Bakit? Natikman mo na?" taas kilay na sabi ni Drake.

"Naman! Ang sarap kaya ng mga pagkain 'dun at talagang mura pa." si Martin na nasa kusina na at inaayos 'yung binili nila. Ang lalaking 'yun talaga.

"Therese." napalingon ako kay Drake na ngayon ay nakaupo na sa upuan sa salas. Ilang araw din pala kami hindi nagkakausap.

"Drake..." ako at umupo kaharap siya. Bakit parang ang tamlay niya? Okay lang ba siya?

"Drake, ayos ka lang? Ang tamlay mo." sita ko sa kanya pero ni hindi niya ko sinagot at tinitigan lang ako na akala mo kapag kumurap siya mawawala na ko. Parang hindi siya okay. I know him when he's fine or not kaya nag-aalala ako sa kanya ngayon. Bihira lang kasi magkasakit ang isang 'to.

"Therese, asan na 'yung---"

"Maghanap ka!" si Emmanuel na ngayon ay may ka-text sa cellphone. Wow! First time kong makita si Emmanuel na may ka-text. Sino kaya 'yun?

Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon