A/N:
Hello po sa lahat at dahil marami na pong nagbabasa...e'to na po ang UD ko! Hahaha! Maraming maraming salamat po sa mga nagbabasa ng story ko! Sa nag-vote at nag-comment. Sobra niyo po kong pinasaya. Sana po patuloy niyo parin akong suportahan. Vote and Comment Guys.
=============================================================================
Chapter 04: Being a House Wife
MIKAELA THERESE's POV
"Asan?"
"Andiyan lang 'yon! Hanapin mo naman kasi!"
"Asan na?!"
"Puro ka naman kasi asan eh!" hay 'naku. Alam niyo ba kung sino 'yang nag-aaway na 'yan? Ang kambal na saksakan ng ingay. Biruin mo ba naman, pagkarating ko dito hindi ko parin nakakausap ang mga 'yan?
"Kaasar ka talaga! Asan na kasi!?"
"Ang arte mo talaga Roselle. Minsan nagtataka ako kung kapatid ba talaga kita."
"Ang sakit mong magsalita Shine!" napabuntong hininga na naman ako. Ano ba naman ang mga 'to? Nakaka-stress. Napatingin na lang ako sa may harapan. Medyo maraming tao sa pwesto niya at karamihan ay puro babae pero medyo naaaninag ko parin siya. Medyo maputla parin siya at kung kilala mo talaga siya ay mahahalata mong may kakaiba sa kanya. Napabuntong hininga na naman ako. Bakit kasi nagpumilit pa siyang pumasok?
"Tere, what's the problem?" biglang singit ni Sunshine.
"Oo nga, kanina ka pa namin napapansin. Kung maka-buntong hininga ka naman parang pasan mo ang lahat ng problema sa mundo. Dinaig mo pa si Napoles sa kaka-buntong hininga mo." si Roselle habang pumupunta sa harap ko. Napabuntong hininga na naman ako. Pano ba 'to? Napabuntong hininga na naman ako. Ang dami namang problema.
"Ano?" pamimilit ni Roselle.
"May lagnat kasi siya at sinubukan kong kumbinsihin na 'wag ng pumasok ang kaso kasing tigas ng sampung bato ang ulo niya." dismayang sabi ko.
"Nagtaka ka pa. 'di ba ang sabi ko nga sa'yo, pinaglihi 'yan sa bato? Matigas na manhid pa." si Sunshine. Hindi na ko nakasagot pa dahil dumating na ang teacher namin.
"Okay class, good morning." Ms. Alcarez. 40 years old at single kaya mainit lagi ang ulo niya lalo na sa mga babae.
"Morning ma'am." bati namin at katulad parin ng dati, kung makataas ng kilay abot langit. Napabuntong hininga na naman ako. 'teka nga, parang may kulang...
"Sorry I'm late!" sigaw ng bagong dating. Muhkang alam ko na kung sino ang hinahanap ko.
"You're late Mr. Mariano." masunit na sabi ni ma'am na nginingitian lang ni Drake kaya hindi na siya sinermonan at pinapasok na. Mautak din 'tong taong 'to eh. Mabilis siyang umupo sa tabi ko sabay ng isang mahabang,
"haaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyy." pagod lang?
"Hoy." tawag ko ng hindi tinatanggal ang tingin sa board.
"Bakit?" ganun din ang ginawa niya.
"Bakit late ka? Nagising ka ng 4 'di ba?" ako habang patuloy parin akong nakatingin sa board.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸
RomanceNot an ordinary unrequited love story. This is a story of love, second chances and forgiveness. Can true love turn into a deep obsession? Can true love forgets and heals the memories of the past? And how far can you go just to protect the one you lo...