Chapter 47: True Happiness

3.6K 64 7
                                    

A/N:

Good day everyone! Sorry kung natagalan si author mag-update ~ Nagkasakit kasi ako. Anyways, mamaya na lang ako mag-e-explain.

Enjoy reading everyone! :D

Pagpasensyahan niyo na kung may mga errors. Saka ko na lang aayusin if ever meron. :D

Pahabol lang... お誕生日おめでとう, 薮宏太!

Vote if you want.

Comment if you like.

Follow if you desire.

=============================================================================

Chapter 47: True Happiness

MIKAELA THERESE's POV

"Michelle, pakikuha narin diyan ng cheese." Sabi ni mama kay Micchi na kumukuha ng mga gulay ngayon sa ref habang ako ay naghihiwa ng mga ingredients and at the same time ay nagluluto katulong nila mama at Manang Fe. Nasa bahay kami nila mama at papa ngayon dahil ngayon ang farewell party ni kuya Xavier. Yes, farewell party dahil bukas ng madaling araw na ang alis ni kuya pabalik ng America kasama si papa at Micchi.

"Mommy, wala na pala tayong patatas, repolyo, toyo, suka, kikoman, chicken at yung cake wala pa! Pati rin yung mga request ni kuya Xavier. Huhuhu." Natatarantang sabi ni Micchi habang nilalapag yung mga gulay at yung cheese na nakuha niya sa ref. Hala. Ang daming kulang. Napatingin ako sa wall clock ng kusina. 2:35pm. Hala. Baka hindi kami umabot niyan.

"What? Sige, pakitawag si Rosie sa courtyard, Michelle." Utos ni mama kay Micchi.

"Ma, ako na lang po ang aalis." Pag-pi-prisinta ko na ikinatigil nila sa ginagawa nila.

"Huh? Pero---" nag-aalalang sabi ni mama ng magsalita ako ulit.

"Sige na po, mama. Si Rosie na lang po ang tutulong sa inyong magluto. Manang Fe, pwede po bang pakisulat yung mga kailangan bilhin." Sabi ko habang nag-aalinlangan na nakatingin lang sakin si mama at si Manang Fe naman ay sinusulat na ang mga kailangan kong bilhin.

"Sinong kasama mo? Di kita pwedeng payagan mag-isa at baka magalit ang asawa mo." Sabi ni mama. *sigh* Oo nga pala. Umalis kasi si Tristan kasama sila Martin, Jerome, Jomaru, Emmanuel at kuya Xavier. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Mukhang di talaga ako makakaalis nito. *sigh* Ang higpit kayang magbilin ni Tristan kay mama kanina. *sigh* Kung ako kasi ang maiiwan, baka di kami matapos nito dahil ang bagal mamili ni Rosie. Honestly speaking, ang hilig niya kasing tumawad which is okay lang naman ang kaso kasi, ang kailangan ngayon ay mabilisan pero okay naman si Rosie sa trabaho. Isa siya sa mga ka-close ko dito at di rin nagkakalayo ang edad namin. Mabalik tayo, ano bang gagawin ko?

"Ako po." Sabay sabay kaming napalingon sa may pintuan dito sa kusina nang biglang may nagsalita.

"Drake!" Sigaw namin ni Micchi. What is he doing here? Nakita ko siyang tumingin sakin sabay ngiti.

"Oh hijo. Buti at nakapunta ka. It's been so long. Kamusta ang mama at papa mo?" Bati ni mama sa kanya at nakita ko siyang lumapit kay mama at nakipagbeso beso.

"They're fine po, tita. Medyo busy lang lalo na't mag-c-Christmas na." Nakangiti niyang sabi habang nakapamulsa. Oo nga pala, best friend slash classmate ni mama dati ang mga magulang ni Drake.

Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon