Chapter 53: I want to Protect You

1.9K 50 10
                                    

A/N:

Happy Merry Christmas, everyone! Here's my gift to all of you ~ ❤ Sorry sobrang natagalan. Huhuhu.

Enjoy reading everyone! :D

Sorry if may mga errors. :)

Vote if you want.

Comment if you like.

Follow if you desire.

============================================================================

Chapter 53: I want to Protect You

MIKAELA THERESE's POV

Naglalakad na ko papunta sa address na sinabi sakin ni Warren. Ewan ko ba pero bigla akong naiyak nang marinig kong alam ni Warren kung nasaan ang asawa ko. Siguro kasi ilang araw na siyang hindi umuuwi. Hay... Siguro nagtataka kayo kung bakit hindi ko parin ipinapaalam sa mga magulang ni Tristan na ilang araw na itong hindi umuuwi. Sa totoo lang ay ilang beses ko na silang tinatawagan nitong nakakaraan ang kaso hindi nila ako sinasagot kaya ang laki ng pasasalamat ko kay Warren na sinabi niya sakin kung saan tumutuloy si Tristan ngayon. Napatigil ako sa paglalakad at inikot ang paninging ko sa lugar. Ang sabi nung driver na hindi ko alam kung nagka-intindihan kami, malapit lang daw dito yung Clover Condominium eh bakit hanggang ngayon ay hindi ko parin makita!? Anong gagawin ko? Magtatanong na lanh ulit ako. Sana this time, yung marunong mag-English yung makausap ko. Huhuhu.

"Ah, excuse me." Tanong ko kay kuyang naka white shirt at dark blue coat.

"Yes?" Tanong niya sakin. Maintindihan naman niya kaya ako?

"Ahm, I just want to ask, where can I find this Clover Condominium?" Tanong ko kay kuya na napatango lang sakin. Hala... Muhkang hindi niya ko naintindihan. Uwaaaaa!

"Clover Condominium is just near. Did you see that tall silver and gold building? That's Clover Condominium." Malumanay na sabi sakin ni kuya habang tinuturo yung building na kanina ko pa nakikita. What!? Yan pala yun. Yung building na yun yung isa sa pinaka mataas at malaking building na nakikita ko dito... 'クローバ' yan kasi ang nakasulat sa building kaya hindi ko rin mabasa. Huhuhu. Ang hirap talaga sa ibang bansa.

"That one? I see. Thank you very much, mister." Nakangiting sabi ko bago yumuko para magpasalamat. Buti nalang at marunong siyang mag-English! Pag-angat ko ng ulo ko ay biglang natanggal yung scarf na nakalagay sa leeg ko. Hala... Kukunin ko na sana nang kinuha na agad ni kuya at inikot sa leeg ko. Napatingin ako sa baba dahil hindi ko maiwasan hindi mahiya. Hanggang Japan ba naman nagmumuhka akong clumsy.

"You must be new here. You look familiar to me... Are you a Filipina?" Nakangiti niyang tanong sakin pagkatapos niyang ilagay ng maayos yung scarf sa leeg ko.

"Yes!" Masiglang sagot ko na ikinangiti niya ulit.

"Sou ka... (Is that so...)" Nakangiting sabi niya sakin. Teka, ano ngang ibig sabihin nun ulit? Lagi ko rin yun naririnig kay Ephraim eh. Hay naku, wala na kong oras para isipin pa ang ibig sabihin niyan.

"Thank you very much for your time, mister." Nakangiti kong sabi sa kanya at palakad na sana ng marinig ko siyang nagsalita.

"That was nothing. Take care, miss." Sabi niya ulit habang nakangiti. Ilang araw pa lang ako dito pero ang dami ko ng na-mi-meet na mababait na Japanese like yung sa airport, si Ephraim tapos si kuyang nagturo ng building. Japanese people are very nice. Hinintay ko munang umilaw yung pedestrian light bago ako tumawid. Nakakaloka. Buti na lang at tinulungan ako ni kuya na marunong mag-English kundi baka abutan pa ko ng gabi kakahanap sa condo na 'to na English ang pangalan pero nakasulat pala sa Japanese. Hay... Mag-aaral ako ng Japanese Language sa Summer Vacation.

Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon