Chapter 21: Preparation and Surprises

4.4K 88 1
                                    

A/N:

Vote, Comment, Follow Guys.

=============================================================================

Chapter 21: Preparation and Surprises

MIKAELA THERESE's POV

"Therese..." bulong ni Drake sakin.

"Ano?"

"Okay na. Siya na lang ang kulang para mamaya." napangiti ako. Hindi talaga nila ako binigo. Nasa school kami ngayon at break time namin. Katulad ng sinabi nila sakin nung mga nakaraang araw na tutulungan nila ako para makapaghanda ng isang party para kay Tristan ay ginawa naman nila. Actually, sakto nga eh kasi ngayon na ang birthday niya. Ang sabi pa nga nila sakin, magkunyari akong hindi ko naalala kaya nagluto lang ako ng breakfast namin at halatang halata sa muhka ni Tristan ang pagkagulat ng makitang pang-breakfast lang ang hinanda ko. Siguro nabigla kasi hindi naman ako ganun dati eh. Well, mas mabibigla siya mamaya. Nung gabi nga palang nasa bahay 'yung lima, may mga napansin akong kakaiba sa kanya.

=====FLASHBACK=====

Maga-alas tres na ng may narinig akong kotse sa labas kaya agad akong napaupo sa sofa. Nakatulog na pala ako sa kaka-intay sa kanya. Tatayo sana ako ng pigilan ako ni Martin. Gising na pala si Martin.

"Ako na." seryosong sabi niya kaya hinayaan ko na lang. Medyo hilo pa ko eh. Maya maya lang...

"Saan ka galing Zaragoza?" ma-otoridad na sabi ni Martin kaya napatingin ako sa may pintuan kung nasaan si Martin at pati narin sila Drake. Nagising pala silang lahat.

"Drake, ilayo mo muna si Martin." utos ni Emmanuel na ikinakunot ng noo ni Martin. 'teka, muhkang magkakagulo.

"At bakit? Wala ba kong karapatan na tanungin siya ha?" galit na sabi ni Martin at 'dun na ko tumayo. Muhkang nagkakagulo na sila.

"Drake!" sigaw ni Emmanuel na sinunod naman ni Drake at pati narin sila Warren at Star tumulong narin.

"S*** ka Emmanuel!" napaatras ako bigla. Si Martin...minumura si Emmanuel. Biglang lumingon sa kanya si Emmanuel habang nakahawak sa balikat ni Tristan. Ang bilis na ng tibok ng puso ko.

"Wala kang karapatan ngayon kasi lasing ka kaya manahimik ka kung ayaw mong patahimikin kita. Ikaw Stanley, ipagtimpla mo ng kape 'yan para naman magising gising ang diwa ng bwiset na 'yan." ma-otoridad niyang utos kay Star na ikinakunot noo nito. Patay tayo diyan.

"Ano? Hindi ako nag-artista para lang maging minor character 'no at hindi para ipagtimpla ng kape ang ibang tao! Pang-main role lang ako!" pag-iinarte ni Star kaya biglang sumama lalo ang aura ni Emmanuel. Lalo lang niyang pinalalala ang sitwasyon.

"Gawin mo na lang kung ayaw mong magkagulo ang bahay na 'to." seryosong sabi ni Emmanuel na ikinabuntong hininga na lang ni Star at saka sumunod. Ano bang nangyayari dito?

"At ikaw? Anong kalokohan ang ginawa mo?" sabay baling ni Emmanuel kay Tristan na tulala parin hanggang ngayon. Anong nangyari sa kanya?

"What do you mean?" walang buhay na sabi ni Tristan habang si Emmanuel ay parang nagpipigil na ng galit sa narinig niya. 'teka, naguguluhan na ko.

"Zaragoza, 'wag mo kong gawing tanga. Alam nating lahat ang baho ng isa't-isa at alam natin kung ano ang ginawang kabulastugan ng isa kaya 'wag mo kong lokohin. Alam kong may nangyari." nanggigigil na sabi ni Emmanuel. Si Tristan naman ay dahan dahan tumingin kay Emmanuel. Bakit namumula ang mga mata niya? Ayos lang ba siya?

"I don't know what you're talking about." napahinga si Emmanuel ng malalim na para bang nagpipigil ng galit. Sandali lang...parang iba na 'to.

"S**! 'wag mo kong ma-ingles ingles! Umamin ka! Sinong kasama mo!? SINO!?" nagulat ako sa sumunod na ginawa ni Emmanuel. Hindi lang sa sinabi niya kundi dahil din sa ginawa niya. Bigla niyang hinablot 'yung kwelyo ni Tristan kaya agad akong pumagitna sa kanila.

Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon