A/N:
Good evening po sa inyong lahat! Namiss ko kayo ng sooooobra! Sorry kung sobrang natagalan. :)
Enjoy reading everyone! :D
Pagpasensyahan niyo na kung may mga errors. Aayusin ko siya next time. :)
Vote if you want.
Comment if you like.
Follow if you desire.
=============================================================================
Chapter 49: Love in Tokyo
MIKAELA THERESE's POV
*kring kring kring*
Dahan dahan kong kinapa yung alarm clock kong nasa side table ko at saka in-off. Ano ba 'to. Nahihilo na naman ako? Hay... Jusko naman oh. Feeling ko masusuka na naman ako. Hay... Bakit ba parang lagi akong ganito tuwing umaga? Napadilat ako bigla. Teka, anong oras na? Napatingin agad ako sa may wall clock ng kwarto at nanlaki ang mga mata ko nung nakita ko yung oras. Hala! 10:30 am na! Huhuhu. Patay na naman ako nito kay Tristan. *sigh* Dahan dahan akong bumangon sa kama at naglakad papuntang c.r. Grabe naman kasi yung puyat ko kagabi. Nag-movie marathon pa kasi kami ni Tristan pag-uwi namin galing Christmas Party kagabi kaya ayun, kahit na gustong gusto ko pang humiga sa kama ngayon ay hindi na pwede dahil kailangan ko pang mag-prepare ng agahan or should I say, tanghalian. Hay! Yari talaga ako nito kay Tristan! Ang pinaka kinaiinisan pa naman niya ay yung nalilipasan siya ng gutom. Huhuhu. Sino nga ba kasing gustong malipasan 'di ba?
Nakapagbihis na ko at pababa na ng hagdan nang may bigla akong naamoy. Huh? Teka, ano yun? Parang ang bango ng amoy. Nagtuloy-tuloy ako sa pagbaba ng hagdan at nag diretso sa kusina. Hala... 'teka, tama ba 'tong nakikita ko? *kusot mata* Si Tristan nagluluto? Eh!?
"Naku, Tristan! Ako na. Sorry at na-late ako ng gising." nagmamadaling sabi ko sa kanya ng bigla siyang lumingon sakin sabay ngiti.
"Good morning, Therese. It's fine. Maaga pa naman eh. Umupo ka muna diyan." Nakangiti niyang sabi sakin habang nagluluto.
"Sure ka?" Kunot noong tanong ko sa kanya na nakangiting tumango lang sakin. Napatango na lang din ako. Okay. Sabi niya eh. Agad ko siyang sinunod at umupo dito habang tinititigan siyang magluto. Hindi ko mapigilan di mapangiti. Akalain mo yun, sa loob ng mag-e-eight months namin na marriage life... Ngayon lang niya ko inunahan magising. Usually kasi, before pa magising si Tristan sa umaga ay naka-ayos na ang lahat. Hay... Ang sarap niyang tignan ngayon. Para talaga siyang isang butihing asawa. Hahaha! *smile*
"Therese..." narinig kong tawag niya sakin after niyang hinaan yung apoy bago lumapit sakin saka siya umupo sa tabi ko.
"Therese, may gusto pa sana akong daanan bago tayo pumunta kay mom... Okay lang ba?" Tanong niya sakin habang inaayos yung buhok niya...or should I say, yung buhok niyang lahat bangs. Hahaha! JOKE! Wag niyo kong ibuko hah. Hehe. Peace...
"Oo naman. Okay lang." Sagot ko sa kanya at nakita ko siyang tumingin sakin habang nakangiti. Kagabi kasi nag-text si mom na kung pwede kaming pumunta sa bahay nila ni dad ngayon kasi may sasabihin daw siya samin. Urgent daw. Ano kaya 'yun?
"Sige, maliligo muna ako. Pwedeng ikaw na lang muna magtuloy nang niluluto ko?" Sabi at tanong ni Tristan sakin na ikinatango ko lang ulit. Lumapit siya lalo sakin at saka niya ko hinalikan sa noo ko bago tumayo sa kinauupuan niya sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸
RomanceNot an ordinary unrequited love story. This is a story of love, second chances and forgiveness. Can true love turn into a deep obsession? Can true love forgets and heals the memories of the past? And how far can you go just to protect the one you lo...