Chapter 63: The Concealed Truth

1.7K 29 9
                                    

A/N:

Good moooooooooorning! :D Happy Valentines Day!!!
Enjoy reading, everyone! :) Sorry po in advance sa mga typos ~ :)

Vote if you want.
Comment if you like.
Follow if you desire.

========================================================================

Chapter 63: The Concealed Truth

MIKAELA THERESE's POV

"Tristan... Bakit ayaw mong magsalita? Sabihin mo naman sakin kung bakit sinabi mo yun sakin kanina... Please naman oh." Halos magmakaawa na ko sa kanya ngayon na sabihin sakin kung ano ba talagang problema niya...naming dalawa...kasi hanggang ngayon hindi parin akong makapaniwala na sa isang iglap lang ay mawawala na siya samin. Nakita ko siyang napapikit at huminga ng malalim. Alam ko... Alam kong may dahilan ka, Tristan at alam kong hindi si Desiree ang dahilan mo, Tristan dahil hindi naman talaga ikaw ang tunay na ama ng dinadala ni Desiree...

"Hanggang dito na lang ba talaga tayo, Tristan?" Tanong ko ulit sa kanya at hindi ko na napigilan pa yung mga luha ko sa pagtulo. Alam ko kasi... Alam ko at nararamdaman ko na may mas malalim ka pang dahilan, Tristan pero bakit ayaw mo kasing sabihin sakin? Please, Tristan... Sabihin mo sakin... Please... Parang awa mo na , Tristan... Nakita ko siyang dumilat at tumitig lang sakin na blangko parin ang ekspresyon. Tristan...

"Sumagot ka naman oh, Tristan..." Pagsusumamo ko ulit sa kanya habang yung mga luha ko ay patuloy parin sa pagtulo. Sabihin mo sakin, Tristan... Kaya kong tanggapin ang lahat, Tristan... 'wag lang 'to...

"Yes..." Blangko ang kanyang ekspresyon nang sabihin niya yan sakin. Napapikit na lang ako habang tahimik na umiiyak. Ang sakit... B-bakit ganon? B-bakit parang ang dali dali lang sayo iyong mabitwan lahat? Bakit, Tristan?

"F-fine... I'm setting you free, Tristan." Mahinang sabi ko sa kanya. Kahit na masakit, kahit na ayoko pero anong magagawa ko kung siya na mismo ang may ayaw? Unti unti akong dumilat habang pinipilit ko yung sarili kong kumalma. Hindi dapat ako ma-stress. Hindi dapat...Humugot muna ako ng malalim na hinga bago ko siya tinignan at parang madudurog ang puso ko nang makita ko ang gulat at pagkabigla sa mukha ni Tristan. T-tristan... Nakita ko siyang dahan dahan na tumatango habang ngumingiti ng pilit. Tristan...

"I think, I'll go ahead---" Hindi ko pinatapos pa si Tristan nang magsalita ulit ako.

"I'm not done yet, Tristan." Seryosong sabi ko sa kanya na halatang ikinagulat niya.

"Fine, I'm setting you free but you need to tell me everything first, Tristan." Seryoso kong sabi sa kanya na ikinakunot ng noo niya.

"What?" Bakit? Bakit parang gustong gusto niyang makipaghiwalay sakin? Ano ba kasing nagawa ko!?

"Kasi yun lang ang paraan na naiisip ko para kamunghian kita!" Sigaw ko sa kanya na halata namang ikinagulat niya. Bakit kasi hindi niya maintindihan na hindi ko siya kayang iwan!?

"Kung ano man yang itinatago mo sakin... Kung talagang ikakagalit ko yan kaya hindi mo masabi sabi sakin... Please sabihin mo na, Tristan para magkaroon ako ng rason para iwan ka kasi kung ganito lang..." Pakiusap ko sa kanya habang patuloy parin sa pagbagsak ang mga luha sa mga mata ko.

"Paano, Tristan? Paano kita iiwan ng ganito lang?" Tanong ko sa kanya na nag-iwas lang ng tingin sakin bago siya huminga ng malalim. Tristan naman...

"Mahal kita, Tristan! Mahal na mahal kita kaya ipaliwanag mo sakin kung bakit iiwanan mo ko!" Hindi ko na napigilan pang mapasigaw nang hindi niya parin ako sagutin. Hindi ganitong Tristan ang nakilala ko. Hindi ganitong Tristan ang minahal ko at pinakasalan ko... Tristan, a-ano ba talaga kasing tinatago mo sakin?

Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon