Chapter 01: Campus Nerd and Mr. Popular

15.7K 236 5
                                    

A/N:

Hi! Sa mga nagbasa kahit konti pa lang thank you po! E'to na po ang UD ko. Support po kayo! :)

=============================================================================

Chapter 01: Campus Nerd and Mr. Popular

MIKAELA THERESE's POV

Nagmamadali akong pumunta ngayon sa klase ko dahil na-late ako ng gising nang dahil sa bwiset na project namin sa A.P. Ang hirap lang talaga ha. Nakakaasar talaga. Tapos pumila pa ko sa Zagu kanina para bumili ng ChoMe Shake. Taka ba kayo kung ano 'yun? Chocolate Melon Shake. Kaibigan ko kasi ang nagta-trabaho 'dun kaya pwede ako mag-request kahit ano. Hahaha! Swerte 'di ba? Nasa second floor na ko at malapit na sa classroom nang bigla akong nabangga sa matigas na bagay...bagay nga ba? Tumingala ako para tignan kung sino o ano ang nabangga ko at halos magulantang ako sa nakita ko.

"Oh my gosh. I'm sorry. Oh my. Hindi ko sinasadya. Sorry. Sorry talaga." habang pinupunasan ko ng panyo na hawak ko ang long sleeves niya. Naku, patay ako nito.

"'wag mo kong hawakan!" sigaw niya sakin at saka ko lang napansin na marami pala ang nakatingin samin kaya agad kong tinanggal ang kamay ko sa sleeves niya. Aish! Ang dami pa lang nakatingin samin. Nakakaasar! Center of Attraction na naman ako! Napayuko na lang ako at napakagat-labi. Nakakaasar talaga ang mga chismosang mga 'to. Iaangat ko na sana ang ulo ko para tignan siya at ang mga nasa paligid ng bigla niya kong hinigit at hinatak sa kung saan.

"A-ano b-ba? N-nasasaktan na ko." hindi niya inintindi at hinatak parin ako. Napayuko na lang ako kasi halos lahat sila ay nakatingin na sakin. Ano ba namang kamalasan 'to. Maya maya lang ay huminto kami sa isang classroom at pumasok. Pagkapasok namin ay marahas niya kong binitawan at tumalikod. Halatang nagpipigil ng galit. Hay... Patay na naman po tayo nito. Inilibot ko muna ang paningin ko sa paligid at isang...bakanteng kwarto pala ito.

"Nananadya ka ba? 'di ba ang sabi ko lumayo layo ka sakin lalong lalo na kapag nasa school tayo?! Nananadya ka bang babae ka!?" gigil na sabi niya at ang sama pa ng mga tingin niya kaya napayuko na lang ako at napakagat sa labi. Kasalanan ko ba? E kasalanan naman niya eh. Kung hindi niya ko hinatak bigla e'di sana walang problema. Napa-itlag ako ng bigla niya kong hinablot sa siko.

"S-sorry na nga 'di ba? Hindi naman talaga kita napansin eh. Kung napansin naman kita ay iiwasan naman kita."

"Aba't sumasagot ka na ngayon ha!? Nakakabanas ka ha!" sigaw nito sakin. Ano ba namang kamalasan 'to? Grabe, nakakatakot talaga siyang magalit. Lalo lang akong napayuko sa higpit ng hawak niya sa siko ko. Ang sakit.

"H-hindi... N-nagpapaliwanag---"

"Manahimik ka! Ikaw umayos ka. Kapag may nakahalata satin, malilintikan ka sakin. Naiintindihan mo ba?" gigil na gigil parin na sabi nito sakin. Lalo lang humigpit ang hawak niya. Ang sakit na. Sobra.

"O-o-oo. L-lalayo na." mangiyak ngiyak na sabi ko saka niya lang ako marahas na binitawan. Agh! Asar! Panigurado magpapasa na naman 'to. Pumunta ito sa may bintana at sumilip. Lakas talaga ng topak ng nilalang na 'to. Kakaiba talaga.

"Hoy! Tandaan mo 'yung sinabi ko." tumango lang ako habang nakayuko. Pilit pinipigilan na maiyak. Nakakaasar. Bakit ba lagi na lang ganito?

"Magbantay ka rito at tatangalin ko lang ang polo ko at sa dulo ako ng classroom na 'to magpapalit. Siguraduhin mong walang nakakakita satin." tango na lang ang naisagot ko dahil alam ko sa oras na magsalita ako ay tutulo na ang mga luhang kagabi ko pa tinatago.

Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon