Chapter 23: Friend and a Brother

4.5K 87 1
                                    

A/N:

Vote, Comment, Follow Guys.

=============================================================================

Chapter 23: Friend and a Brother

MIKAELA THERESE's POV

"'dun na lang po kuya...thank you po." nakangiting sabi ni Roselle.

"Sus... Pa-cute!" biglang sigaw ni Sunshine na ikinatingin naming lahat. Loko talaga 'tong mga 'to. Napakunot naman ang noo ni Emmanuel. Hehehe... Ang init naman ng ulo nito.

"Kuya manong, salamat ho." simpleng sabi ni Emmanuel sa nag-deliver ng mga roses. Kung bakit roses...hindi ko alam. Basta. Sila lang naman ang nag-ayos eh kasi nga baka kapag nakisali pa ko ay baka makahalata na talaga si Tristan. Kanina nga, medyo nagduda siya but good thing at magaling si Emmanuel magpalusot kaya hindi na nagtanong si Tristan. Anyway, nasa bahay na kami ngayon at kasama ko sila Drake na ngayon ay nag-aayos ng mga decoration. Sila Roselle at Shine naman naka-assign sa salas habang si Emmanuel naman kasama ko na dito sa kusina. Ngayon ko lang nalaman na marunong pala siyang magluto.

"Don't stare at me. Your creepy." bigla niyang sabi habang naghahalo ng afritadang siya ang nagluto. Napanguso na lang ako. Para naman silang kambal ni Tristan. Napaka-sungit!

"Grabe ka. Creepy agad? Hindi lang ako makapaniwala na marunong kang magluto. Masama ba 'yun?" ako sabay hiwa ng mga sahog. Ang mga lalaki talaga. Hay naku... Hininaan niya muna ang apoy at humarap sakin. 'yan ang creepy kung makatingin. Creepy na awkward pa. Hay... Ang mga 'to talaga.

"Therese, may itatanong ako." seryoso niyang tanong naikinatango ko na lang. Parang kinakabahan na naman ako ah...

"Sobra ko bang sungit?" napatigil ako sa paghihiwa at napatingin sa kanya. Why so sudden?

"What do you mean?" kunot noong tanong ko na ikinataas niya ng kilay. Sungit talaga.

"Just answer me." ma-otoridad niyang sabi kaya napadiretso ako ng tayo. Ano ba 'yan. Nakakatakot silang dalawa ni Tristan. Ba't kaya hindi na lang 'to magmilitar? Mas bagay sa kanya.

"Oo." ako sabay tingin sa ibang direksyon. Bawal magsinungaling 'di ba? Matagal bago siya nagsalita at halos malagutan na ko ng hininga sa sobrang pagpipigil ko. Nakakatakot naman talaga kasi siya eh.

"Sa tingin mo, kaya walang nagkakagusto sakin dahil 'dun?" biglang nabalik ang tingin ko sa kanya na ngayon ay naka-upo na sa silyang nasa kusina at nakayuko. Oh my! Hindi kaya... Unti unti akong lumapit at tumabi sa kanya.

"Sinong may sabi? Halos habulin ka na nga ng mga babae sa school tapos ganyan ka pa magsalita? Ano 'yan? Pa-humble?" pabiro kong sabi na nagpaangat sa ulo niya para titigan lang ako ng masama. Hehehe... Parehas talaga sila ni Tristan. Ang daling magalit pero iba siya kasi he knows how to control himself. Nakita ko na dati.

"Hindi." maikling sabi niya sabay nagpangalumbaba. Eh ano?

"Anong ibig mong---"

"Ang slow mo talaga. *sigh* I like someone but she loves someone else." malungkot niyang sabi. Naku, kawawa naman pala siya. 'yun siguro 'yung lagi niyang ka-text.

"Ganun ba?" pagkasabi ko niyan ay bigla siyang napasapo sa noo niya. 'teka, para naman saan 'yun?

"What was that for?"

"Alam mo, hindi ko alam kung bakit sa lahat ng tao na pwede kong pagsabihan nito, ikaw pa talaga ang naisipan kong tanungin at lapitan. Alam mo, mas gugustuhin ko pang maka-usap ang mga elementary kesa sayo." napasimangot na naman ako. Ang sama talaga!

Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon