Chapter 31: Prom Night

4.7K 103 4
                                    

A/N:

Good Morning guys! Eto na po ang UpDate ko. :)

Vote if you want.

Comment if you like.

Follow if you desire.

=============================================================================

Chapter 31: Prom Night

MIKAELA THERESE's POV

"Sure kang ayaw mong ako ang partner mo?" siya habang sinusuot na niya 'yung tux niya. Hay... Ang gwapong nilalang pero uber sa kakulitan. Lumapit ako sa kanya at ako na ang nag-tie ng necktie niya. Wala lang. Trip ko lang.

"Nangako na nga kasi ako kay Warren tsaka masyado malaking issue kapag nangyari 'yang sinasabi mo. Alam mo naman na may issue tayo 'di ba?" pagkukumbinsi ko sa kanya. I'm not saying na mas gusto kong ka-partner si Warren pero ayokong magkaroon na naman kami ng problema. Kakaayos nga lang namin tapos magkakaproblema na naman.

"Issue isssue. Mag-chichismis na lang kasi mali pa." nakasimangot niyang sabi. Sus. Ang suplado ng asawa ko.

"Bakit? Kaya mo bang aminin sa lahat kung ano talagang meron tayo?" natahimik siya. Napangiti na lang ako. Alam ko naman na hindi pa siya handa 'no.

"Hindi naman pala eh." I admit that I'm hoping but what matters to me now is I know, he's trying his best for me. He's trying his very best just to be nice to me.

"Eh sa mali naman talaga 'di ba? Were married not engage." napangiti na naman ako sa sinabi niya although hindi parin naaalis 'yung ngiti ko kanina.

"Oo na nga, sabihin na natin na ganon nga pero, si Warren na nga ang partner ko tsaka siya ang isinulat ko na magiging partner ko." kailangan kasi naming isulat 'yung magiging partner namin sa ball. Kaya mas lalong nakakahinala naman kung bigla na lang kaming magbabago ng partner, right?

"Tsk. 'yung muhkang fishball na 'yon." napakunot ang noo ko ng matapos na kong i-tie 'yung necktie niya. Ano raw? Fishball?

"Ang sama mo, Tristan. Sige ka. Baka makarma ka niyan." at saka ako lumayo sa kanya. Ugali talaga ng lalaking 'to. Sala sa init sala sa lamig.

"Tsk." kitam? Nagsu-suplado na naman po ang asawa ko. Umupo ako sa kama at inayos ang bag ko. 'teka, parang hindi ko na nakikita 'yun ah.

"Ikaw talaga. Kung makapanita ka akala mo ako 'yung maraming naging girlfriend." parinig ko sa kanya habang may hinahanap ako sa drawer ng bedside table ko. Totoo naman 'di ba? Asan na nga ba 'yun?

"Hey, what's that supposed to mean?" siya sabay harap sakin. Hula ko nakataas kilay niyan. Hindi ko kasi makita muhka niya at may hinahanap nga ko. Nakakaasar naman kasi! Asan na ba 'yung kwintas na 'yun?

"Nothing. Ang gusto ko lang naman sabihin, bakit ikaw ang daming babaeng umaaligid sayo at idagdag mo pa na may interes sila sayo. Sakin naman, sila Emmanuel, Jerome, Martin, Drake, Jomaru, Star at Warren na nga lang ang lumalapit sakin at idagdag mo pang wala silang interes sakin 'no." napakamot ako sa ulo ko. Hindi ko siya makita.

"Is that all?" may pagka-irita niyang sabi na ikinatingin ko sa kanya. May nasabi ba ko?

"What do you mean?" nakaka-nose bleed naman kasama 'to. English ng english.

"How about that annoying shell?" nakanguso niyang sabi. Shell? Anong shell? Sinong Shell naman 'yun?

"Shell?" kunot noo kong tanong na lalong ikinakunot ng noo niya. Ano ba kasing tinutukoy niya? Shell?

"E'di 'yung kasama mo kagabi. Sino pa bang shell ang sinasabi ko?" siya sabay irap sakin at talikod. Shell? Kasama ko kagabi?

"Shell? Bakit naman shell? Muhka bang shell si Shane?" siya lang naman ang nakasama ko kagabi kaya malamang sa malamang si Shane ang tinutukoy nito.

Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon