Chapter 55: To Forgive and Forget

2.5K 54 28
                                    

A/N:

Good evening, everyone! :)
Mamaya na ko magbibigay ng mensahe...(mensahe? Hahaha!)

Sorry for the long wait again, everyone!
Enjoy reading ~ :D

Pagpasensyahan niyo na po kung medyo maraming errors. I'll edit it soon. Hehehe. :)

Vote if you want.

Comment if you like.

Follow if you desire.

============================================================================

Chapter 55: To Forgive and Forget

MIKAELA THERESE's POV

*bzzzt bzzzt bzzzt*

Dahan dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga sa kama at kinuha yung cellphone ko. Alarm lang pala. Uminat muna ako bago naglakad papuntang C.R. para makapag-ayos na. Mag-10 am na pala. Actually, nagising na ko kanina ng maaga kaso natulog ulit ako kasi nahihilo ako na parang nasusuka kaya natulog ulit ako. Nakalabas na ko ng C.R. at kinuha ko muna yung cellphone ko bago ako lumabas ng kwarto. Sa totoo lang ay ayoko pang lumabas ng kwarto dahil baka makasalubong ko pa si Tristan dahil ilang araw na kong natutulog sa guestroom kaso kailangan ko rin lumabas kundi mag-aalala sila manang sakin.

Pababa na ko ng hagdan nang bigla kong nakasalubong si manang na may dalang mga damit ko.

"Naku, hija. Buti at gising ka na." Nakangiting bati sakin ni manang na sinuklian ko din ng isang ngiti.

"Medyo nahilo po kasi ako kaninang umaga kaya natulog ulit ako. Hehehe. Pasensya na po, manang kung napag-alala ko kayo."

"Ikaw talaga, hija. Buti kamo kung ako lang ang nag-aalala eh pati asawa mo nag-aalala na sayo." Sabi ni manang na ikinatahimik ko lang... Ilang araw ko na kasi siyang hindi pinapansin...

"Ah manang, tulungan ko na po kayo." Pag-iiba ko ng usapan saka ko kinuha yung ibang mga damit ko at naglakad na kami papunta sa kwarto namin ni Tristan.

• • • • • • • • • •

"Gusto mo na bang kumain, hija?" Tanong niya sakin nang ipatong na niya sa ibabaw ng kama yung mga damit namin.

"Mamaya na po saka ako na lang po ang mag-aayos, manang." Sabi ko kaagad kay manang na ikinatango lang niya. Kahit naman sabihin mong galit ako kay Tristan ay asawa ko parin siya. Tumayo ako at kumuha ng mga hanger saka ako bumalik at umupo sa kama. December 31 na. Sa isang araw ay uuwi na kami. Akala ko ma-e-enjoy namin ang bakasyon na 'to dahil bago kami umalis ng Pilipinas ay masaya kami. Akala ko okay na ang lahat...hindi pa pala...

"Hija..." Tawag sakin ni manang kaya napatingin ako sa kanya. Nakita kong umupo si manang sa tabi ko habang nakatitig parin sakin.

"Bakit po? Ayos lang ho ba kayo?" Tanong ko sa kanya na sinagot lang niya ng iling. Baka kasi medyo napagod siya sa pag-akyat.

"Ayos lang ako, hija pero ayos ka lang ba?" Tanong ni manang sakin na ikinabigla ko. Napahinga lang ako ng malalim bago ko ibinalik yung atensyon ko sa pag-ha-hanger ng mga damit namin ni Tristan.

"Opo naman, manang."

"Ayos lang ba kayong mag-asawa?" Tanong ulit ni manang sakin.

"Opo." Tanging nasabi ko na lang.

Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon