A/N:
Good evening, everyone! :)
Sorry for the very long wait! :) Here's the next chapter 56! 😊
Enjoy reading, everyone! Your author loves each one of you very much. ❤Vote if you want.
Comment if you like.
Follow if you desire.============================================================================
Chapter 56: Unexpected Visitor
MIKAELA THERESE's POV
"Maiwan ko muna kayo, hijo." narinig kong sabi ni manang kay Tristan. Tumango lang siya bago umalis ng silid si manang. Nasa library kami ngayon ni Tristan kasama si... Desiree. Hindi ko mapigilan na di mapaisip. Paano nalaman ni Desiree na nandito kami ni Tristan sa Japan? Paano nalaman ni Desiree kung saan kami tumutuloy ngayon at sinong nagsabi sa kanya? Napatingin ako kay Tristan na tahimik lang na nakaupo sa tabi ko. Ayoko sanang magduda pero...hindi naman siguro siya, hindi ba? Napailing na lang ako bago ko kinuha yung tsaa na nasa lamesa at ininom. Ano ba 'tong nangyayari sakin? Ang dami daming tumatakbo sa isip ko ngayon pero ang hindi ko lang talaga lalo maintindihan ay yung hanggang ngayon ay hindi parin kumikibo si Tristan. Ano bang nasa isip mo, Tristan? Gusto ba nilang mag-usap na sila lang? Hay... Bakit nga ba ako nandito? Tatayo na sana ako para iwan muna sila saglit nang biglang hawakan ni Tristan yung kamay ko at marahan na hinila papunta sa kanya. Napalingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakatingin lang sakin...na para bang sinasabi niyang 'wag akong umalis...
"Sorry. Ahm, actually, hindi ko talaga kasi ine-expect na makikita ka namin dito kaya..." medyo naiilang niyang sabi bago niya tinitigan si Desiree. Napayuko na lang ako.
"Sorry din kung bigla akong pumunta ng walang pasabi. Its just that, kinuha muna ako ng tita ko para makapag-unwind dito sa Japan and I just couldn't stop myself going here... Nagbabaka sakaling makita ka at nakita nga kita pero...I didn't expect na kasama mo si Therese."
"Well, she's my wife. It's normal that wherever I go, she will always be there." straight forward niyang sabi na ikinabalik ng tingin ko sa kanya at nakita ko siyang seryosong nakatingin lang kay Desiree habang hawak hawak yung kamay ko ng mahigpit.
"I-I'm sorry... Gusto lang naman kitang makita." she said as if I wasn't here.
"We can still meet pero sana let's be considerate. We should both know that I'm a married guy..." mahinahon na sabi ni Tristan.
"Ngayon mo naiisip yan kung kelan nabuntis mo ko?"
"That's not what I mean, Desiree. Okay, listen. Napag-usapan na namin ni Therese ang tungkol sa bata and we both decide---"
"Tatanggapin ko ang bata pero kung higit pa dun ang gusto mo... I'm sorry, Desiree pero hindi ako papayag." gulat silang napatingin sakin habang nakatingin lang ako ng diretso kay Desiree. Medyo alam ko na kasi kung saan 'to mapupunta kaya hindi ko narin napigilan pa yung sarili ko. Nabasag lang ang katahimikan nang biglang nag-ring ang cellphone ni Tristan. Tinignan niya ito bago siya tumingin sa amin at nag paalam.
"Excuse me..." Sabi niya na ikinatango ko lang bago siya tumayo at sinagot yung tawag.
"Hello? Dad? What's wrong?" Narinig kong sabi ni Tristan habang naglalakad siya palabas ng kwarto. Ngayong kaming dalawa na lang ni Desiree ang nasa kwarto...parang gustong gusto ko ng umalis dahil ayoko siyang makasama.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸
RomanceNot an ordinary unrequited love story. This is a story of love, second chances and forgiveness. Can true love turn into a deep obsession? Can true love forgets and heals the memories of the past? And how far can you go just to protect the one you lo...