Chapter 28: Preparation and Revelation!?

4.8K 92 2
                                    

A/N:

Vote, Comment, Follow Guys.

=============================================================================

Chapter 28: Preparation and Revelation!?

MIKAELA THERESE's POV

"Okay Guys! Tama na 'yan diyan. Okay. Side pa ng konti..." nasa P.A.S.S. Grand Hotel kami ngayon at nag-aayos na para sa event bukas. Oo, bukas na ang acquaitance at sobra ng excited ang mga tao dito. Psh. Para namang first time nilang mag-gaganito. Anyway, sa loob ng 2 weeks, napaka-dami ng nangyari. Nandun 'yung kinapos kami ng tauhan kaya kumuha pa ang sc ng ibang students at 'dun na napasama sila Tristan pero knowing Tristan for years, hindi siya sumama at nagpa-detention na lang ng 1 week. Well, hindi naman kasi talaga 'yan mahilig sa mga ganitong bagay. Ang mga kasama ko nga pa---

"Drake! Ibigay mo na kasi! Nakakaasar ka naman eh!" si Roselle na hinahabol si Drake.

"Ayoko! Ba't ko naman ibibigay? Ano ka, hilo? At ikaw pa talaga ang naasar ha. Ibang klase ka." si Drake na lumalayo kay Roselle.

"Para kayong mga timang, Roselle! Imbes na maghabulan kayo diyan, tulungan niyo na lang kaya ako!" sigaw ni Shine sa kanila. Napailing na lang ako. Hmm... I know that there's wrong with these three? Nitong mga nakakaraang araw kasi nagkakapikunan na 'yung kambal at sa hindi ko maintindihan na dahilan, ang lagi lang naman nilang pinag-aawayan ay walang iba kundi si Drake. Hmm... I smell something fishy here... *insert grin* Pero wala akong balak na tanungin sila kasi knowing the three of them, malihim 'yan sa mga lovelife. Kaya nga minsan nagtatampo ako sa mga 'yan kasi buong buhay ko naikwento ko na samantalang sila sapilitan pa. Psh.

"Agh! Nakakaasar ka naman Leo eh! Ang sabi ko, buong hotel re-rent-ahan ng Xandford at hindi buong Grand Hall lang! Tanga ka ba? Ano bang hindi mo na-gets 'dun?" napatingin naman ako sa kabilang side ng hall at nakita ko si Martin na galit na galit sa tauhan niya. Bakit kaya? Lumapit si Emmanuel sa kanya at bigla siyang binatukan. Napangiwi ako. Si Emmanuel talaga.

"Ugok ka talaga 'no, Martin? Ang sabi ko kausapin mo, hindi ko sinabing sigawan mo ang tauhan mo." ma-otoridad niyang sabi. Well, tama naman pala si Emmanuel. Kahit kailan talaga 'tong si Martin, lagi na lang sobra sa pinapagawa sa kanya ang ginagawa niya. Hay...

"Emman naman kasi! Agh! Umalis ka na nga Leo!" tsk. Kakatwiran pa eh. Yumuko at humihingi ulit ng tawad kay Martin 'yung Leo saka umalis. Nakakaawa naman 'yun.

"Therese!" napalingon ako sa tumawag sakin. Si Leona. Remember her? Siya 'yung journalist ng school. Nag-volunteer daw siya eh.

"Bakit?" tanong ko ng makalapit na siya.

"May problema!" huh? Ano naman kaya 'yun?

"Anong problema?" tanong ni Emmanuel na nasa tabi ko na pala. Ang bilis niya ha. Napatingin ako sa katabi niya. Hehehe... Lahat sila nandito na pala.

"Biglang nag-back out 'yung flower shop kaya wala na tayong flowers para bukas." hirap niyang sabi. Nagkatinginan kaming lahat. Hala! Paano 'yan?

"Tsk. Bwiset naman oh." problemadong sabi ni Emmanuel. Problema nga.

"Anong nangyari, Emman?" si President Shane.

"Nag-back out bigla ang flower shop."

"Ano? Bakit kung kailan naman bukas na saka nag-back out? Adik ba sila?" segunda ni Jerome na kararating lang. Sila kasi 'yung inutusan sa kusina para tikman 'yung mga ihahanda bukas. Kasama niya sila Jomaru, Star at Warren. Muhkang kakatapos lang nila 'dun.

"We don't have much time. Kailangan na nating maghanap ng iba. Ganito na lang, maiwan ka dito, Mr. Martin Santos at bantayan mo ang mga ginagawa ng mga tauhan mo, isama mo narin si Mr. Jomaru Aguilar at kung may nangyari, i-text niyo na lang kay Emman para si Emman na lang ang mag-forward sakin. Tayong lahat naman na natira, kailangan nating maghanap ng iba." what? Kasama siya?

Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon