Chapter 16: Surprise Invitation

5.6K 119 4
                                    

A/N:

Hello and Good Morning Guys part 3! Alam kong matagal akong nag-UD kaya gusto kong makabawi kahit papano. Hehehe... Sana magustuhan niyo ang chapter na 'to. Have a nice day everyone! :)

Vote, Comment, Follow Guys.

=============================================================================

Chapter 16: Surprise Invitation

MIKAELA THERESE's POV

Lunch Time ngayon and its been 2 weeks since nag-heart to heart talk kami ni Tristan and still, hindi parin ako makapaniwala na muhkang nagwo-workout na kami dahil hindi na niya ko inaaway, sinisigawan, sinamaan ng tingin at sinasaktan pero lagi naman niya ko inaasar which is fine with me kesa naman 'yung magkaaway kami at parang walang kabuhay buhay ang bahay.

"Tere, ano? May naisip ka na bang partner mo sa ball?" si Roselle na ngayon ay titig na titig sa invitation na hawak niya. Oo nga pala, may ball kami next next month. Para bang JS Prom pero 3rd, 4th and 5th year ang mga magkakasama. Oh 'di ba? Ang excited masyado ng school at ang aga nagbigay ng invitation.

"Hindi pa eh---aray! Shine naman!" hindi ko sinasadyang mapasigaw. Ang brutal talaga ng babaeng 'to.

"Sinungaling ka talaga. Muhkang ang dami ngang MAGYAYAYA sayo eh and speaking of MAGYAYAYA." sabay nilang nguso sa may pintuan at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Anong ginagawa niya!?

'BE MY PARTNER, MIKAELA THERESE AQUINO'

"Wow friend naka banner ka pa ha. Iba ka talaga!" napanganga ako. Seryoso ba 'to? Baliw na ba siya o lasing lang? Tatayo na sana ako ng pigilan ako dalawang babaeng ito. Ano na naman ba!?

"Ano!?" asar kong sabi. Masyado kasi siyang obvious at baka magalit na naman sakin si Tristan. Kailangan ko na siyang pigilan 'no. Ngumiti lang siya na ikinaasar ko. Kasabwat ba siya ni Star? Hinatak ko ang kamay kong hawak ni Roselle at ni Shine saka tumayo pero natigilan ako ng makita kong nasa harapan na ni Star si...Drake at Tristan!

TRISTAN VINCENT's POV

"Babe! Please naman oh. 'wag mo muna akong hiwalayan. Kailangan pa kita. Ayokong mawalan ng partner! Nakakahiya!" pagmamakaawa ni Jessie. tsk. Babe talaga? Ngayon ko lang na-realize na ang pangit pala ng tawagan na 'yun. Babe? Parang baboy ang dating sakin. Tsk. Nakakapikon na ang babaeng 'to. Buti na lang naisipan kong idispatya ang isang 'to. Boring na nga, feeling bossy pa. Ibinaba ko ang librong binabasa ko at tumingin sa kanya. Nakakairita na talaga siya.

"Wala akong pake kung meron o wala kang partner. Ayoko na kaya ayoko na. Kulitin mo pa ko at makakatikim ka na talaga. Alam mo bang pumapatol ako sa mga babae? Gusto mong subukan? Tsk, hindi ka lang pala worthless...hopeless ka rin pala." biglang nag-tubig ang mga mata niya. Napangisi ako. Ngayon alam ko ng totoo ang sinasabi nila Jerome sakin na sadista nga talaga ako.

"Ang sama mo! Ang sama sama mo!" hahampasin niya sana ako ng biglang may napansin akong ikinasama ng araw ko. Bigla akong tumayo at lumapit sa may pinto. Ang kapal talaga ng isang 'to.

"Ayos ah. Creative at talagang pinaghandaan. Ano 'to proposal?" nakatukod ang isa kong kamay sa haligi ng pinto at sinamaan ng tingin ang bituin na 'to. Oo, tama si Star nga. Ang bituin na bumagsak mula sa langit.

"Oh hi Mr. Zaragoza." makahulugan niyang sabi. Anong gusto niyang mangyari?

"At anong ginagawa ng isang bituin na tulad mo sa classroom namin?" napalingon ako bigla sa nagsalita sa tabi ko at nangunot ang noo ko ng makita ko kung sino.

Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon