A/N:
Hello and Good Morning Guys part 2! Pambawi number 2. Hahaha... Sana magustuhan niyo rin ang chapter na 'to. Have a nice day everyone! :)
Vote, Comment, Follow Guys.
=============================================================================
Chapter 15: Just Stay and Wait for Me
MIKAELA THERESE's POV
Nasa bahay na kami at e'to, nag-iintayan kung sino ang unang magsasalita. Ang totoo kanina pa kami ganito simula ng maka-uwi. Pag-uwi namin hindi pa kami nagsasalita pwera na lang nung tinawag ko siya para kumain ng dinner pero after that, hindi na ulit kami nagpansinan. Ang totoo, hindi ito ang inaasahan ko. Kapag kasi may nagagawa akong kalokohan o katangahan ayan na siya na sisigaw sigawan ako at kung ano ano ang sasabihin pero ngayon, sobra niyang tahimik na talaga namang nakakapagtaka. Nasa sala kami at nakaupo sa mahabang sofa. Sa magkabilang dulo kami ng sofa. Wala eh. Naiilang ako at kinakabahan sa sobra niyang katahimikan.
"Therese."
"Ay kabayo!" napahawak ako sa dibdib ko. Ano ba 'to? Nakakagulat naman siya. Tinignan niya ko ng walang emosyon kaya napayuko ako. Ang creepy talaga niya ngayon.
"Muhka ba kong kabayo?" mabilis akong umiling at pinipigilan ngumiti. Seryoso kami ngayon. SERYOSO.
"Anyway, tungkol sa kanina---"
"Sorry. Hindi kasi tayo titigilan ng lalaking 'yun hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niyang sagot kaya pasensya na." ako sabay yuko parahap sa kanya. Bwiset naman kasing Star 'yan eh!
"'yung lalaking 'yun. Sino siya? Sino siya sa buhay mo 9 years ago?" napa-angat ako ng tingin. Gusto niyang malaman kung sino si Star?
"Oo gusto ko. Ngayon kung hindi ka sasagot malalagot ka sakin." seryoso niyang sabi na ikinadiretso ko ng upo. Mind reader nga pala ang asawa ko.
"Hindi ako mind reader. Obvious ka lang masyado." hindi nga? Napabuntong hininga muna ako bago magsalita.
"Siya si Stanley Roque or Star. Una kaming nagkita nung 7 years old ako sa bahay na tinitirhan ko nung mahanap ako ni papa[Don Vincent]. Actually, friends lang talaga kami, ang kaso 'yung loko pinagtripan ng mga kaklase namin at sinabihan na bakla kaya ayan, niligawan ako. Nung una akala ko ginagawa niya lang 'yun para tigilan siya pero hindi eh nung mag-grade 3 kami, umamin siyang crush niya ko. Nung una okay lang kasi crush lang naman ang kaso...hindi ko ine-expect na hanggang ngayon 'yun parin ang tingin niya sakin." pagkatapos kong magpaliwanag ay dahan dahan kong tinignan si Tristan na ngayon ay diretsong nakatingin sa t.v. Patay ang t.v. kaya alam kong nakikinig siya.
"Paano kayo nagkahiwalay?" pagpapatuloy niya.
"Nung grade four kami. Umalis sila at nag-migrate sa states."
"Tapos?"
"Wala na kaming naging connection kaya wala na kong alam tungkol sa kanya." napa-tingin siya sakin. Wala ba siyang tiwala?
"Ganun ba?" after niyang sabihin 'yan ay isang mahabang moment of silence na naman ang nangyari. Ang creepy niya ngayon. Para kasing may gusto siyang sabihin eh pero parang may pumupigil sa kanya.
"Bakit ang dali dali sayo para sabihin na kasal tayo?" nabigla ako sa sinabi niya. Ba't ba ang hilig nito magsalita bigla? Nakaka-heart attack...syempre joke lang. Hehehe.
"Kasi tanggap ko ang katotohanan na kasal tayo." totoo naman eh. Siya lang naman ang hindi.
"Kapag ba umamin ako masasabi mo nang tanggap ko na?" ano daw? Bigla akong napalingon sa kanya. Anong sabi niya?
BINABASA MO ANG
Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸
RomanceNot an ordinary unrequited love story. This is a story of love, second chances and forgiveness. Can true love turn into a deep obsession? Can true love forgets and heals the memories of the past? And how far can you go just to protect the one you lo...