Chapter 14: Suitor

5.7K 136 1
                                    

A/N:

Hello and Good Morning Guys! E'to na po UD ko. Mamaya na ko magpapaliwanag kung bakit matagal na naman ako bago makapag-UD. Hehehe... Sana magustuhan niyo ang chapter na 'to. Have a nice day everyone! :)

Vote, Comment, Follow Guys. 'wag mahiya. :)

=============================================================================

Chapter 14: Suitor

MIKAELA THERESE's POV

"Girl, ba't nag-walk out?" 'yung kambal na naman. Aba malay ko. Katabi ba ko? Ang sarap sabihin ang kaso wala ako sa mood magsalita. Hanggang ngayon kasi hindi maalis sa isip ko kung sino 'yung tumawag kanina. Kung sino man siya, kilalang kilala niya ko.

"Therese, sino siya?" napalingon kaming lahat sa nagsalita. Nandito pa nga pala si Star. Bakit ba hindi pa 'to bumabalik sa klase?

"Hoy, ba't nandito ka parin?" masungit na sabi ko. Kasi for sure pagdidiskitahan na naman ako ng mga babae dito mamaya.

"Ang sungit mo naman Therese parang kanina niyayakap yakap mo ko." bwiset talaga ang isang 'to.

"Tere, sino ba siya? Kahit gwapo 'yan hindi kami nakikipag-friends sa hindi namin kilala." taas kilay na reklamo ng kambal. Psh. As if naman. Baka nga crush pa nila 'to ngayon eh.

"Utang na loob. 'wag nga kayong mag-ingay." napabuntong hininga na lang ako. Sana dumating na 'yung teacher namin.

"Sino nga kasi siya?" ang kambal na 'to talaga. Hindi talaga ako titigilan hangga't hindi ko sinasagot. Hay...

"Stanley Roque or Star. Childhood friend ko at best friend ni Therese sa Rain Academy na sikat na artista ngayon." paliwanag ni Drake. Hay... Thanks to Drake. Napayuko na lang ako sa armchair ko. Bwiset na araw 'to. E'to ata ang pinaka nakaka-stress na araw sa buhay ko.

"Therese bakit?! Mali naman kasi ang pagkakaexplain mo eh! BOYFRIEND NIYA KO!?" napa-angat ako bigla ng ulo. SIRA ULO BA SIYA!?

"WHAT!?" halos lahat napasigaw sa gulat. Sino ba naman kasi ang hindi. Kahit ako nagulat eh. Ano bang nakain ng kutong lupa na 'to? Bwiset na nilalang talaga 'to. Kahit kailan talaga. Hay!

"Zaragoza, anong ginagawa mo diyan sa may pintuan? Magsisimula na ang klase." napatingin ako sa may pintuan and there he is. Ang asawa kong nag-deny sakin kanina. Ang asawa kong hindi ko mabasa kung anong iniisip ngayon. Narinig kaya niya?

TRISTAN VINCENT's POV

"Kung ang mag-asawa nga nagkakahiwalay pa. Mag-boyfriend pa kaya?"

"Sino naman kaya 'yun? Wagas ang ringtone ah."

"Baka manliligaw?"

"Stanley Roque or Star. Childhood friend ko at best friend ni Therese sa Rain Academy na sikat na artista ngayon."

"Therese bakit?! Mali naman kasi ang pagkakaexplain mo eh! BOYFRIEND NIYA KO!?" naihilamos ko ang kamay ko. Bwiset! Bakit ba paulit ulit sa utak ko!? Ano 'to? Instant replay? Agh! Naihampas ko ang kamao ko sa desk na ikinatingin ng lahat. Bwiset! Dapat talaga hindi na ko bumalik at umuwi na lang. AGH!

"Mr.Zaragoza, may problema ba?" tanong ng pinaka masungit na teacher namin na si Ms. Alcarez. Agh! Bwiset talaga!

"Mr. Zaragoza, answer me---"

Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon