A/N:
Good evening, everyone! :)
Sorry for the wait, everyone but here's Chapter 59. 😊 Enjoy reading! 😉Vote if you want.
Comment if you like.
Follow if you desire.========================================================================
Chapter 59: The Arrival of the New Rival
MIKAELA THERESE's POV
"Adik ka talaga. Maliligaw tayo nito sa ginagawa mo eh." Sermon ni Emman kay Martin na hawak yung cellphone niya. Hehehe. Papunta kasi kami ngayon ng airport para sunduin yung mga pinsan nila. Sabay sabay silang uuwi dahil gusto daw nilang magkakaibigan na sabay sabay umuwi. Ang galing no? Kasi pati mga pinsan nila sobrang close sa isa't isa.
"Hala... Kasalanan ko ba kung abnormal din 'tong pinsan ko? Eh bakit di mo na lang din iyext pinsan mo para malaman kung saan silang banda sa Terminal 1." Reklamo ni Martin kay Emmanuel. Hahaha! Ang kulit talaga nitong mga 'to. Oo nga pala, kami kami lang ang susundo sa kanila. Si Emman, Martin, Jerome, Tristan at ako. Ay, kasama din pala namin si Star kasi ngayon din daw dating nung kapatid niya but to be honest, hindi niya nabanggit sakin before na may kapatid siya. Hehehe. Anyways, hindi namin siya kasama sa kotse kasi daw walang security kung sakali kaya sa kotse niya siya nakasakay kasama yung bodyguards niya. Hehehe.
"Tsk. Si Isaiah pa eh may pagka sayad yun saka walang kwentang tanungin yun sa mga ganon lalo na't bihira lang siyang umuwi ng Pinas. Ikaw na lang kaya ang magtanong sa pinsan mo, Tristan." Seryosong sabi ni Emman habang naka halukipkip sa tabi ko. Nasa likod kaming tatlo nila Tristan habang si Martin ay nasa passenger seat sa harap katabi si Jerome...ang naging driver namin. Hahaha! Kanina nga nag-away away pa kung sino mag-da-drive pero ang ending si Jerome na lang kasi daw pinsan daw nitong tatlo yung susunduin kaya ayun...no choice si Jerome. Hahaha!
"Natanong ko na kanina pa. Sa bungad lang daw sila pu-pwesto sabi ni Aries." Simpleng sabi ni Tristan habang naka akbay lang sakin at nakatingin sa labas ng bintana... Simple lang ang suot niya pero bakit ang gwapo gwapo mo parin, Tristan? Naka blue shirt at black pants ka lang naman pero ang pogi mo... Bakit?
"G**** ka talaga, Zaragoza. Halos murahin na ko ni Emmanuel tapos alam mo naman pala." Medyo iritableng sabi ni Martin. Hehehe. Kung maririnig ka lang ni Janella na nagmumura ngayon ay naku... Panigurado lagot ka dun. Hahaha!
"Bakit? Ngayon niyo lang naman ako tinanong hah." Simpleng sabi lang ni Tristan. Hehehe. Ano daw?
BINABASA MO ANG
Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸
RomanceNot an ordinary unrequited love story. This is a story of love, second chances and forgiveness. Can true love turn into a deep obsession? Can true love forgets and heals the memories of the past? And how far can you go just to protect the one you lo...