Chapter 60: Make You Mine

1.8K 33 12
                                    

A/N:

Good morning, everyone! :D
Chapter 60 is finally here! 😊 At katulad nga po ng sabi ko sa official IG account ko (@syusuriefujino.official) ~ May announcement po ako later. Hihihi ~ 😉 Enjoy reading, everyone! 😘

Vote if you want.
Comment if you like.
Follow if you desire.

========================================================================

Chapter 60: Make You Mine

MIKAELA THERESE’s POV

Therese, wag kang magpaka pagod hah.” Paalala ni Tristan sakin na sinagot ko lang ng ngiti at tango habang nagluluto dito sa kusina. Nandito kami ngayon sa bahay.

Hello, excuse me. Nakita mo si Tristan?” Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Aries sa may pintuan ng kusina.

Ah umakyat lang sa taas. May nakalimutan lang siyang kunin.

Ah ganon ba… Ano yang niluluto mo? Mukhang masarap.” Sabi niya habang papalapit sakin.

Caldereta. Favorite kasi ni Tristan ‘to.” Nakangiting sabi ko sa kanya. Simple lang naman si Tristan at yun ang nagustuhan ko sa kanya kahit na medyo random ang pag-iisip niya. Hahaha!

Mahal na mahal mo talaga ang pinsan ko ‘no?” Out of the blue niyang tanong na dahilan para mapatingin ako sa kanya.

Oo naman. Mahal na mahal ko yang pinsan mo.” Nakita ko siyang napatango habang nakangiti bago niya tinap yung balikat ko.

I’m glad to hear that. Abangan ko luto mo mamaya.” Sabi niya bago siya naglakad paalis ng kusina. Nakakatuwa talaga ‘tong si Aries kasi para siyang si Tristan. Bigla na lang magtatanong nang kung ano anong tanong. Hahaha! Hmmm…? Pwede na siguro ‘to? Matikman nga. Dadalhin kasi namin ‘to mamaya sa bahay ni Emmanuel dahil dun gaganapin ang Welcome Party nila Aries. Hindi ko naman kailangan magluto pero wala lang. Parang trip ko lang magluto. Hehehe.

I’m just wondering, do you love me more than I do love you?” Muntik ko nang mabitawan yung sandok na hawak ko nang marinig ko ang boses ni Tristan sa may tenga ko kaya napalingon ako at nakita ko siyang nakangiti sakin.

Tristan.

What?” Nakangiti parin niyang tanong sakin bago niya ko niyakap.

Nagluluto ako, Tristan.” Sabi ko sa kanya dahil baka makita rin kami ng pinsan niya no!

Bakit? Niyayakap lang naman kita hah. Teka, patikim nga.” Sabi niya sakin kaya napabuntong hininga na lang ako at ipinatikim sa kanya yung Caldereta.

Ang sarap hah. Parang lalo kang gumagaling.

Hay naku, Tristan. Ewan ko sayo.” Tanging nasabi ko na lang bago ko ibinalik ang atensyon ko sa pagluluto habang nakangiti parin. Tristan naman eh!

Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon