A/N:
Good morning, everyone! :D I'm back!!!
Mamaya na po ako magpapaliwanag. :) Enjoy reading!
Belated Merry Christmas and Happy New Year to all! Mahal na mahal ko po kayo!
Sorry po if maraming mga typos ~ Huhuhu.Vote if you want.
Comment if you like.
Follow if you desire.========================================================================
Chapter 61: The Broken Promises
MIKAELA THERESE's POV
Three hours... Three hours na kong naghihintay dito sa veranda nila Emmanuel habang nakatingin sa kanilang garden. Nasaan ka na ba, Tristan? Ang sabi mo sandali ka lang 'di ba? Bakit ang tagal mo?
"Therese..." Narinig kong tawag sakin ng isang pamilyar na boses ng isang lalaki pero hindi ko na lang siya pinansin kasi kilala ko naman kung sino siya at wala din naman ako sa mood makipag-usap sa kanya.
"Therese..." Tawag niya ulit sa pangalan ko nang makalapit siya sakin kaya napalingon ako sa kanya at nakita kong dala niya ang shawl ko.
"This is yours, right?" Nakangiting tanong niya sakin. Tumango lang ako sa kanya at kukuhanin ko na sana dahil medyo giniginaw narin ako nang siya na mismo ang naglagay sa likod ko.
"Thank---"
"Sorry kanina hah. Minsan kasi talaga hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko." Hindi ko na natuloy pa yung sinasabi ko nang biglang niyang sinabi yan sakin na ikinatango ko na lang habang tahimik lang na nakaupo dito at hinihintay si Tristan. Bakit ang tagal niya? Hanggang ngayon ba magkasama parin sila ni Desiree?
"Therese... Galit ka parin ba?" Tanong niya ulit sakin na dahilan para bumalik ulit ang atensyon ko sa kanya.
"Wag mo nang intindihin yun. Okay lang." Simpleng sabi ko na lang na ikinatango lang niya.
"Sorry." Narinig kong sabi niya na ikinailing ko lang bago ko siya tignan at ngitian.
"Okay nga lang. Wag mo nang isipin pa yung nangyari kanina." Sabi ko sa kanya bago ko ibinalik yung tingin ko sa langit. Tristan naman...
"Therese." Tawag niya ulit sakin.
"Hmmm...?"
"Pwede ba kitang samahan muna dito?" Tanong niya sakin na ikinakunot ng noo ko. Napalingon ako sa kanya at nagulat ako na hanggang ngayon ay nakatayo parin siya sa tabi ko.
"Okay lang pero nasaan si Emmanuel?" Tanong ko sa kanya bago siya umupo sa kabilang upuan dito sa veranda.
"May kausap. Ewan ko dun. Parang balak na niyang paltan si tito bilang president ng kumpanya nila." Nakangiti lang niyang sabi habang niluluwagan niya yung necktie niya.
"Ganun lang talaga sila, Ephraim." Sagot ko sa kanya bago tumingin ulit sa garden nila Emmanuel.
"Pati ang asawa mo?" Tanong niya ulit sakin na ikinatango ko lang.
"Oo, minsan nga dun narin siya nagpapalipas ng gabi sa opisina dahil sa dami nang kailangan niyang tapusin."
"Sorry but I just want to ask you this..." Seryoso niyang sabi sakin.
"Ano yun?"
"Sure ka bang tungkol lang sa trabaho yun?" Makahulugan niyang tanong sakin na ikinakunot ng noo ko. What?
BINABASA MO ANG
Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸
RomanceNot an ordinary unrequited love story. This is a story of love, second chances and forgiveness. Can true love turn into a deep obsession? Can true love forgets and heals the memories of the past? And how far can you go just to protect the one you lo...