A/N:
Hello! At dahil good mood ako ngayon at medyo dumadami ang nagbabasa nito ay magu-UD po ako. Hahaha.
PS. pagpasensyahan ang mga errors...
:)
=============================================================================
Chapter 03: Married Life
MIKAELA THERESE's POV
"Therese." si Tristan habang nagla-laptop sa tabi ko.
"Bakit?"
"'wag mong kakalimutan 'yung pinag-usapan natin ha." ano ba naman 'to? Para bang lagi kong kinakalimutan.
"Hindi ko po kinakalimutan." grabe naman 'tong lalaking 'to. Ulit ulitin ba?
"Therese."
"Bakit?" tamad kong tanong. Medyo nawala kasi ako sa mood sa sinabi niya.
"Tinatamad ka na bang kausap ako." biglang nalipat sa kanya ang tingin kong kanina nasa librong hawak ko at ang sama ng tingin niya sakin. My goodness. Nakakabasa rin ba siya ng isip?
"Ah? A-ano...hindi naman. May binabasa lang ako. Ano ngang sasabihin mo?" Jusko! Back to the topic...BACK TO THE TOPIC! Mind reader 'yata talaga ang isang 'to. Inipit ko na lang ang bookmark ko sa libro at inilagay sa bedside table ko.
"Unang una, hindi ako mind reader. Pangalawa, ayoko ng makikita na nakikipag-close sa iba lalo na sa Drake na 'yun at pangatlo, uulitin ko. 'wag mo kong lalapitan o kakausapin kapag nasa school tayo." ano?
"P-pero---"
"Walang pero pero. My decision is final and whether you like it or not, you need to do it as I order you." siya sabay patay ng laptop niya at lagay sa bedside table niya at higa at talikod sakin. Ayos din ang isang 'to ah? Taray ah. Parang kanina ang kulit nilang magkapatid tapos, ngayon parang wala na naman sa mood? Gusto niyo malaman kung anong nangyari kanina nung dinner?
=====FLASHBACK=====
Kakatapos ko lang magluto at e'to na nga at nasa dining area na kami. Usually kasi dalawa lang kami ni Tristan ang kumakain dahil kami lang naman ang tao dito. Yes, wala po kaming katulong at si Manong Rey naman uwian kaya halos mag-sawa na siya sa pagmu-muhka ko. Hahaha! Lalo na kapag weedends...kaso depende pa kung aalis siya at magpa-party. Anyway, nandito na kami at kumakain na pero 'tong dalawang magkapatid ay nagbabangayan parin. Tindi 'di ba?
"Alam mo kuya, masyado kang seryoso para sa isang lalaki kaya hindi na ko magtataka kung lagi kang inaasar nila kuya Martin." sabi ni Micchi nang may laman parin ang bibig. Grabe talaga 'tong dalawa. Bigla naman tinapunan ng masamang tingin ni Tristan si Michelle. E'di sila na. OP na ko.
"Alam mo Michelle, masyado kang madaldal para sa isang babae kaya hindi na ko magtataka kung walang magtangkang ligawan ka." ganti ni Tristan kay Michelle na ikina-simangot ni Michelle.
"Ate! Inaasar ako ni kuya..." naka-pout parin na sumbong ni Michelle. Ang cute talaga niya.
"Micchi baby, ang haba na ng nguso mo. Kain ka na at baka gabihin ka pa ng uwi." pag-iiba ko na lang ng usapan. Ayoko kasing isipin ni Tristan na kinakampihan ko si Michelle kesa sa kanya.
"Ate, hindi ako uuwi. Dito ako pinatutulog ni mom at dad kasi wala sila tomorrow. May pupuntahan daw sila at 3 days daw sila 'dun." hindi na siya nakasimangot ngayon. Talaga? Dito siya matutulog? Napansin ko naman na biglang kumunot ang noo ni Tristan at tumingin sakin. Ano na naman ang ginawa ko?
BINABASA MO ANG
Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸
RomanceNot an ordinary unrequited love story. This is a story of love, second chances and forgiveness. Can true love turn into a deep obsession? Can true love forgets and heals the memories of the past? And how far can you go just to protect the one you lo...