Chapter 42: Xavier Dustin Zaragoza

3.6K 69 7
                                    

A/N:

Good morning everyone! Today is my one and only love of my life's birthday kaya mag-a-update ako. Hahaha! Part narin 'to ng birthday present ko for him ~ Enjoy reading everyone!

Vote if you want.

Comment if you like.

Follow if you desire.

=============================================================================

Chapter 42: Xavier Dustin Zaragoza

MIKAELA THERESE's POV

"Great. So, hanggang ngayon kasama niya parin si Lyn... I mean si Desiree?" nakaka-inis. Kaya niya ba itinago sakin na siya si Desiree kasi alam na niya from the very start na ako ang asawa ni Tristan? Hay... Nakakapagod kang mahalin Tristan...

*doorbell*

Tumayo ako ako para buksan yung pintuan. So, may balak pa pala siyang umuwi. Akala ko maghihintay lang ako sa wala.

"Tristan..." sabi ko pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan pero hindi si Tristan ang nakita ko...

"Therese..." banggit niya sa pangalan ko. Siya na ba 'to? Nandito na ba talaga siya?

"Xavier...?" nagulat ako ng bigla na lang niya kong niyakap ng mahigpit habang nakatayo kami parehas sa mismong pintuan namin. He is Xavier Dustin Zaragoza. Tristan's older brother and supposed to be the heir of Harvard Conglomerates ang kaso, umalis siya ng wala man lang pasabi at nanirahan sa America ng mag-isa.

"Kuya Xavier, kamusta na? Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman kung saan kami nakatira?" tanong ko sa kanya nang humiwalay siya sa yakap at tinitigan ako. Bakit may lungkot akong nakikita sa mga mata niya. Ayos lang ba siya?

"G-gusto mo ba munang pumasok?" alok ko sa kanya kasi ang hamog na. Hating gabi na kaya. Tumango ito at saka ko siya pinapasok sa loob ng bahay.

"Kukuha lang ako ng maiinom mo, kuya." sabi ko sa kanya at bago pa man siya makapagsalita ay agad na kong pumuntang kusina. Nang makarating na ko sa kusina ay agad akong napasandal sa pader habang ang isang kamay ko ay nasa dibdib ko. Bakit ang lakas tumibok ng puso ko ngayon? Ang lakas talaga ng beat. Anong nangyayari sakin? Posible kayang... Napailing na lang ako. Ano ba 'tong mga pinag-iisip ko. Hay... Lumapit ako sa cabinet at nagkanaw ng hot chocolates. Malamig ang simoy ng hangin ngayon kaya mas masarap mag hot chocolate. Pagkatapos kong makanaw ay agad kong iniligay sa tray para madala na sa salas.

"Kuya---" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng makita ko siyang hawak hawak yung picture frame namin ni Tristan nung kasal.

Bakit gulat na gulat siya? Ay oo nga pala, hindi nga pala siya naka-attend ng kasal namin pero bakit hindi nabanggit man lang sa kanya?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bakit gulat na gulat siya? Ay oo nga pala, hindi nga pala siya naka-attend ng kasal namin pero bakit hindi nabanggit man lang sa kanya?

"Sorry kuya kung hindi ka na namin nasabihan." sabi ko habang inilalagay ko sa lamesa yung dalawang hot chocolates. Para kasing hindi nga siya na-inform.

Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon