A/N:
Good Eve everyone! Eto na po ang UpDate ko. Sorry kung na delay kasi po ayaw magbukas ng watty ko nung nakakaraan kaya ngayon lang po ako nakapag-UD. Thanks for waiting. :)
Vote if you want.
Comment if you like.
Follow if you desire.
=============================================================================
Chapter 33: The Meeting of the Nerd and the Campus...Popular!?
MIKAELA THERESE's POV
"Therese!" napalingon ako sa taong biglang tumawag sakin.
"Bakit?" tanong ko ng makalapit na siya.
"Tinatanong mo pa. Halika na." nakangiti niyang sabi at hahatakin na niya sana ako ng bigla ko siyang hinawakan sa damit niya kaya napalingon siya sakin.
"Saan?" takang tanong ko sa kausap ko.
"Birthday mo kaya! Halika na! May surprise ako sayo." magsasalita pa sana ako ng bigla niya na lang ulit akong hatakin at dinadala sa kung saan.
"Nandito na tayo!" masayang sabi niya ng makarating na kami sa isang lugar na hindi ko alam kung saan. Napakunot ang noo ko.
"Nasaan ba tayo ha?"
"Nasa puso ko." nakangiti niya paring sabi. Ano daw?
"'de joke lang. Nakalimutan mo na ba 'to? Dito tayo unang nagkita. Sa playground na 'to tayo unang nagkita. Bago ka mahanap ni dad..." nakikinig lang ako ng tahimik sa kanya habang tinitignan ang buong lugar. Oo nga. Dito nga kami unang nagkita.
"...aalis na ko sa isang araw, Therese..." napatingin ako bigla sa kanya ng sabihin niya 'yun. Aalis?
"...alam kong nagulat ka. Kahit ako rin nagulat eh..." malungkot niyang sabi kaya napayuko na lang ako kasi parang maiiyak na ko ano mang oras. Bakit siya aalis? Bakit niya ko iiwan?
"...Therese..." tawag niya sakin pero nakayuko parin ako. Naluluha na kasi talaga ako eh.
"...can you promise me something?" malungkot niya paring sabi pero hindi parin ako kumikibo. Hindi ko na nagugustuhan ang nangyayari. Parang may sasabihin siyang hindi niya masabi. Ano ba 'yun? Kinakabahan na ko.
"Can you wait for me?" at 'dun na ko napabalik ng tingin sa kanya.
"Therese, can you wait for me?" pag-uulit niya nung hindi ako nakasagot. Tumango na lang ako kasi hanggang ngayon pinipigilan kong umiyak.
"Thank goodness! Kasi alam mo kung anong gagawin ko pagbalik ko?" relief niyang sabi. Umiling lang ako. Ano bang gagawin niya?
"Kasi pagbalik ko..." marahan niyang sabi at hinakawan ang dalawa kong kamay saka niya ipinagdikit ang mga noo namin kaya ngayon ay nagtititigan na kami.
"...I will make you my wife." at hindi ko na napigilan pang maluha sa sinabi niya.
"Hmm?" bakit parang lumulutang ako? At parang...nahihilo?
"Therese, halika na." napadilat ako dahil ayaw tumigil nung yumuyugyog sakin. Pag-angat ko ng ulo ko...
"Buti naman at nandito ka na. Ang tagal tagal mo naman." asar kong sabi sa kanya. Una, dahil nawala na ako sa mood at pangalawa, nakakaasar kasi ang tagal tagal nilang mag-usap! Wala na nga akong kasama, wala pa kong makain! Katamad kasing tumayo mag-isa at kumuha ng pagkain eh.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸
RomanceNot an ordinary unrequited love story. This is a story of love, second chances and forgiveness. Can true love turn into a deep obsession? Can true love forgets and heals the memories of the past? And how far can you go just to protect the one you lo...