Chapter 22: Promises

4.9K 95 3
                                    

A/N:

Vote, Comment, Follow Guys.

=============================================================================

Chapter 22: Promises

MIKAELA THERESE's POV

"'teka, kamuhka niya si Jerome, Drake!" gulat din na sabi ni Star. Oo, magkamuhka. Ano bang nangyayari?

"JOMARU!" nabalik ako sa realidad ng biglang sumigaw 'yung isang Jerome na nasa may pintuan. Parang kahit siya gulat na gulat din. 'teka, Jomaru? Sinong Jomaru? Bigla na lang napatakbo si Jerome samin at agad na hinawi si Jomaru daw at lumuhod sa harap ko.

"Okay ka lang? May ginawa ba siyang masama sayo?" ang boses na 'yan...ang mga kilos niya...siya si Jerome!

"Jerome, sino siya? Bakit kamuhka mo siya? Jerome..." gulong gulong sabi ko. Napa-hinga siya ng malalim bago tumayo at hinigit sa kwelyo 'yung Jomaru. Napatingin na lang ako kasi wala akong lakas tumayo.

"Inulit mo na naman, Jomaru? Hindi ka pa ba nadadala? Ang sabi ko sayo, layuan mo na siya, hindi ka ba nakakaintindi ha!?" anong ibig niyang sabihin? Anong inulit? Ang alin?

"Tsk. Ano ka ba naman Jerome, sinusubukan ko lang kung gaano ka nila kakilala. Masama ba 'yon? Tsaka masama bang subukan kung may nakakaalala pa sakin but unfortunately...no one remembers me." 'teka, ang ngising 'yon... Nanlaki ang mga mata ko at biglang napatayo. Siya ba talaga 'yan. Nagulat ang buong klase sa biglang pagtayo ko. Nasa amin na kasi ang atensyon nila eh.

"Ikaw ba 'yung kakambal ni Jerome ha?" biglang napaharap sakin si Jerome at si Jomaru naman parang gulat na gulat.

"Natatandaan mo ko?" nanginginig niyang tanong. Siya nga! Pero bakit parang...

"Jomaru, bakit naging brown ang mga mata mo?" sa pagkakatanda ko kasi si Jerome ay brown eyes habang si Jomaru naman ay grayish. Biglang ngumiti si Jomaru at niyakap ako. Nagulat ako sa ginawa niya at lahat din ng nasa loob ng classroom napasinghap. Ano bang nasa isip niya at bigla bigla na lang niya kong niyakap?

"Joma---"

"Ikaw lang...ikaw lang ang tanging nakapansin kung sino talaga ako. Just like old days." at mas lalo niyang hinigpitan 'yung yakap niya. Ang totoo, ayokong niyakap niya ko dahil baka makita ako ni Tristan at mag-isip na naman ng kung ano-ano pero on the other hand, hinayaan ko na lang dahil nararamdaman ko 'yung pangungulila niya this past 4 years. Oo, 4 years ago umalis siya papuntang states at siguro namiss lang niya kami.

"Syempre naman. Ikaw yata ang baby Maru namin." naramadaman kong bigla siyang napatigil sa sinabi ko. Napangiti na lang ako. Baby Maru ang tawag namin sa kanya dati kasi ang isip bata niya pero parang hanggang ngayon din naman eh.

"Therese..." yakap niya sakin ng mahigpit ng bigla akong mapakalas ng may biglang humatak sakin palayo sa kanya. Lilingon sana ako ng marinig kong nagsalita siya. OMG. Sinasabi ko na nga ba.

"Welcome back mister." mariing sabi ni Tristan. Napalunok na lang ako. Bakit parang bigla akong nagkakasalanan?

"Tristan Zaragoza..." banggit ni Jomaru na ikinangiwi ko ng bigla dahil humigpit 'yung hawak ni Tristan sa balikat ko. Hanggang ngayon kasi nakahawak parin siya sa balikat ko. Ang sakit...

"Its been so long Tris---"

"Its been 4 years, Jomaru. Bakit ka bumalik? May sinusundan ka ba dito?" pagtatama ni Tristan sa sinabi ni Jomaru. Napatigil ako bigla sa sinabi ni Tristan. Bakit niya nasabi 'yun? Napansin kong nabigla din sila Jerome sa sinabi ni Tristan. 'teka, ano ba 'to?

"Trista---" pag-uumpisa ko ng biglang magsalita si Tristan.

"Shut up." mariin niyang sabi kaya napayuko na lang ako. Galit ba siya pati sakin? Ano bang nagawa ko?

Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon