A/N:
Hi everyone! :) Pasensya na kung natagalan ang next UD ng author niyo ~ Marami kasing nangyari these past weeks... Namatay ang lolo ko tapos nagkasunod sunod pa yung mga problema kaya sana hindi kayo nagtampo kay author. :) Medyo marami parin ginagawa si author niyo ngayon pero pangako kong tatapusin ko ang CNMTMP kaya walang iwanan hah. :)
Enjoy reading ~
At pasensya na po kung sakali man na may mga errors or typos sa chapter na ito. Hindi ko pa po kasi siya na-e-edit. :)
Vote if you want.
Comment if you like.
Follow if you desire.
=============================================================================
Chapter 50: Memories
MIKAELA THERESE's POV
"Ms. Therese, may ipag-uutos po ba kayo?" Pangatlong tanong na yan ni Lisa sakin. Isa siya sa mga maid dito sa bahay nila Tristan. Umiling lang ako habang inaayos yung mga gamit na dala namin ni Tristan sa aparador... Si Tristan na mapa hanggang ngayon ay wala parin. Simula nang umalis siya kagabi ay hindi parin siya umuuwi. Kahit tawag o text man lang, wala tapos kung kelan kailangan ko siya saka naman siya nawawala. Napailing na lang ulit ako habang nagha-hanger ng mga damit. Nakakainis naman kasi! Bakit hanggang ngayon ay wala parin siya? Di ba niya naisip na nag-aalala din naman ako sa kanya? Buti sana kung Pilipinas 'to! At least sa Pinas, posibleng na kila Emmanuel, Martin o Jerome siya eh nasa Japan kaya kami! Ni hindi ko nga alam kung may mga kaibigan siya dito dahil hindi naman kami nakapag usap ng matagal kahapon dahil nga umalis siya at iniwan ako dito...
"Ms. Therese... Okay lang po ba kayo?" Narinig kong tanong ni Lisa sakin habang nag-aalalang nakatingin sakin at doon ko lang naramdaman na umiiyak na pala ako. Agad ko itong pinunasan bago ko siya hinarap at kinausap.
"Ayos lang ako. Wag na kayong mag-alala sakin. Bababa rin ako mamaya pagka-ayos ko nito." Nakangiti kong sabi sa kanya pero halatang hindi siya naniniwala sakin. Tumango lang ito sakin saka yumuko bago niya ko iniwan sa kwarto. Napahinga na lang akong malalim saka sumandal sa aparador habang hawak ko yung damit ni Tristan na hina-hanger ko. Napapikit na lang ako habang hawak ko ng mahigpit yung t-shirt ni Tristan. Sa totoo lang... Hindi ko lubos maisip na sa lahat ng makakalimutan ko ay yung pinaka importante pa sa lahat...
=====FLASHBACK=====
"Pupunta tayong private resort nila Shane, mom?" Narinig kong tanong ni Tristan sa mama niya. Nasa sala kami nila Tristan ngayon dahil may sasabihin daw sila Tita Maria at Tito Vincent na mahalaga sa amin. So, ito pala yun...
"Yes. Magba-bakasyon tayo." Nakangiting sabi ni tita samin. Bakasyon? Parang ayokong sumama.
"Tita Maria, pwede po bang hindi ako sumama?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko naman siyang tumingin sakin bago tumayo at nilapitan ako.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸
RomanceNot an ordinary unrequited love story. This is a story of love, second chances and forgiveness. Can true love turn into a deep obsession? Can true love forgets and heals the memories of the past? And how far can you go just to protect the one you lo...