Chapter 51: Christmas Gift

2.1K 46 9
                                    

A/N:

Good evening guys ~ Here's my next update ~ ❤

Enjoy reading everyone!

Again, pagpasensyahan niyo na po kung may mga errors ~ :)

Photo above is Heaven Angelo Nathan Soriano also known as Hans.

Vote if you want.

Comment if you like.

Follow if you desire.

=============================================================================

Chapter 51: Christmas Gift

MIKAELA THERESE's POV

~ The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. ~

Nakakainis. Napahiga na lang ulit ako sa kama habang hawak ko parin yung cellphone ko. Kakauwi ko lang ng bahay galing ospital at e'to na naman ako... Nag-aalala sa asawa kong mag-da-dalawang araw nang hindi umuuwi pero sa totoo lang, dapat ay kahapon pa ko nakauwi dahil okay naman lahat ng test ko pero si Doc Yuko nag-suggest na mag-stay muna ako at kinabukasan na ko umuwi para daw malaman namin yung lagay ni baby and thank God at okay naman ang mga resulta ng mga test... Napahinga na lang ulit ako ng malalim bago ko kinuha yung unan sa ulunan ko at niyakap. Naguguluhan na ko't lahat tapos itong si Tristan naman hanggang ngayon ay wala parin. Hindi ba niya naiisip na sobra na kong nag-aalala sa kanya tapos simula pa nung umalis siya nung isang gabi ay ni tawag o text man lang para malaman ko kung nasaan siya at kung okay lang ba siya ay wala! Hay... Parang ganito rin yung ginawa niya sakin dati. In-unlock ko ulit yung cellphone ko habang yakap yakap yung unan at tinawagan ulit si Tristan... Ang kaso, cannot be reached. Hay! Nahagis ko sa ulunan ko yung cellphone ko at tumihaya sa kama habang nakatingin sa ceiling.

"Tristan naman eh..." Tanging nasabi ko bago napabuntong hininga. Iniisip ko kung paano ko sasabihin sa kanya na naaalala ko na ang lahat... Na kuya ko pala yung kaklase naming nerd na si Mico Terrence at iniisip ko rin kung paano ko sasabihin sa kanya na buntis ako... Napahawak ako sa tiyan ko. Buntis ako... Hindi ko mapigilan di mapangiti. Anak namin ni Tristan. Ano kayang magiging reaksyon niya kapag sinabi ko? Matutuwa kaya siya? Excited?

==========

NOTE: This sudden flashback already appeared on CNMTMP Chapter 25.

...Therese, sana kalimutan na lang natin. Kahit na wala akong maalala sa nangyari. Gusto kong kalimutan mo na lang ang lahat. Ang dami ng nangyayari, kahit ako gulong gulo na. At saka Therese, masyado pa tayong bata. Isipin mo rin ang kinabukasan natin. Ilang taon pa tayo mag-aaral. Masyado pa tayong bata at hindi pa ko handa para sa isang commitment...

==========

O...magagalit? Dahan dahan akong umupo sa kama at sumandal sa headboard ng kama. Bigla kasi akong nakaramdam ng lungkot nang maalala ko yung sinabi niya sakin dati. Sabi niya wala siyang maalala nung gabing yun... Ang sabi niya pa ay ayaw niya ng commitment. Na kalimutan ko na ang lahat pati narin yung nangyari samin ng gabing yun... Sinubukan ko naman eh pero paano na ngayon? Paano na ngayon na may baby na kami? Bumaba ang tingin ko sa tiyan ko habang hinahaplos ito. Sa totoo lang kasi ay bigla akong nakaramdam ng takot. Takot dahil baka hindi niya matanggap na may anak siya sakin. Kung yung dati nga kasi na may nangyari pa lang sa amin, hindi niya pa maamin sa sarili niya... Ito pa kaya? Nagulo ko na lang ang buhok ko. Ano ba, Therese! Wag ka ngang mag-isip ng ganyan sa asawa mo! Nagbago na siya, remember? Saka bawal kang ma-stress! Napahinga na lang ako ng malalim. Kahit na ano pang maging reaksyon ni Tristan ay dapat malaman niya parin dahil siya parin ang ama ng dinadala ko. Napabuntong hininga na lang ulit ako at saka dahan dahan na humiga ulit sa kama. Makapagpahinga na nga lang muna kesa magpaka-stress ako sa mga iniisip ko. Mamaya ko na lang ulit tatawagan si Tristan.

Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon