Chapter 13: Mysterious Caller

5.2K 113 2
                                    

A/N:

Hello Guys part 3! Next kong pambawi. Hehehe... Sana magustuhan niyo ang chapter na 'to. Have a nice day everyone! :)

Vote, Comment, Follow Guys.

=============================================================================

Chapter 13: Mysterious Caller

MIKAELA THERESE's POV

"Oo! Kinakahiya kita! Ayokong malaman ng buong school, ng mga iba kong kabarkada at ang buong mundo na nagkaroon ako ng isang pangit at nerd na asawa na tulad mo!"

"Oo! Kinakahiya kita! Ayokong malaman ng buong school, ng mga iba kong kabarkada at ang buong mundo na nagkaroon ako ng isang pangit at nerd na asawa na tulad mo!"

"Oo! Kinakahiya kita! Ayokong malaman ng buong school, ng mga iba kong kabarkada at ang buong mundo na nagkaroon ako ng isang pangit at nerd na asawa na tulad mo!" agh! Bakit ba lagi na lang nagf-flashback sakin lahat? Nakakaasar! Parang sinabi narin niyang kahit na kailan hindi niya ko magugustuhan. Parang dinudurog, inaapakan at pinipiga ang puso ko. Grabe namang pagsubok 'to. Ba't ang aga naman ng hirap? Hinde, bakit puro hirap na lang? Magiging masaya nga kami ang kaso panandalian lang. Natatakot akong baka kapag lalong tumagal ang relasyon namin ay mas lalong humirap pa. Jusko naman! God kung lalo niyo po susubukan ang relasyon namin, sana bigyan niyo po ako...kami ng lakas para harapin lahat. Iniisip ko pa lang na lalala lalo ang lahat parang nanlalamig at nanghihina na ko. Hay...

"Tere..." sabay na sabi ng kambal. Tama kayo, nasa school parin ako. Sa totoo lang parang ayoko ng bumalik sa klase dahil sa nangyari ang kaso ayoko rin naman ma-disappoint sila mama sakin. Kaya kahit puro panunukso at panlalait ang napala ko papunta pa lang ng classroom eh tiniis ko. Hay... Buhay nga naman. Napapagod na nga, nasasaktan pa.

"Tere..." 'yung kambal ulit. Kahit papano masaya rin ako kasi may mga kaibigan akong tulad nila.

"Ayos lang. 'wag niyo na ko pag-iisipin pa." tinignan lang ako nung kambal at bumuntong hininga. Sobra ko namang swerte na nagkaroon ako ng kaibigan na tulad ng kambal na 'to.

"THERESE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" bigla akong napa-takip ng tainga. Ano ba naman 'yan! Sino bang baliw ang isisigaw ang pangalan ko!? Nilingon ko ito at...

"AH!!!!!!!!!! PRINCE STAN!!!!!!!!!!! AHHHHH!!!!!!!!!!!!!!" Stan? Screen Name niya pala 'yun. Ano na naman kayang trip nito? Naka-ngiti siyang nilagpasan ang mga fans niya. Naka-drugs ba 'to at nakangiti pa siyang nakatitig sakin o...assuming lang ako? Psh. Bakit nga ba niya ko lalapitan lalo na ngayon na may issue tungkol sakin. Hindi naman niya siguro gust masira ang pangalan niya---

"Hi Therese!" what!? Lumingon ulit ako at ako nga ang tinatawag niya. Anong ginagawa ng mokong na 'to sa harap ko? Adik ba talaga siya? Ano bang iniisip niya? Napayuko ako. Ang dami na naman kasi ng mga nakikiusyoso eh. Ano bang trip ng mga 'to?

"Huy! Bakit 'di ka namamansin? Parang kanina lang umiiyak ka ng wagas sakin. Ano?" bwiset talaga! Ano bang sumapi dito at hindi nakakapag-isip ng tama? Agh!

"Therese na---aray! Anak naman ng! Anong trip mo Drake!" nag-angat ako ng tingin at nakita kong nakahawak sa batok si Star habang si Drake naman nakatingin sa kanya ng seryoso.

"Bakit ka nandito?" seryoso paring sabi ni Drake.

"Nakiki-sit in. Bakit? May problema?" simpleng sagot ni Star. Anong problema? Parang kanina super close sila ngayon parang nobody lang? Tinignan lang siya ni Drake. Ano bang problema?

Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon