A/N:
Vote, Comment, Follow Guys.
=============================================================================
Chapter 27: Choosing
MIKAELA THERESE's POV
"Uy! Ang ganda oh. Tignan mo."
"OMG! Ang gwapo talaga ni Prince Stan!"
"Sinabi mo pa! Isusuko ko ang lahat, maging akin lang siya!"
"Echusera ka. Sige nga, ipagsigawan mo nga ngayon na hindi ka na virgin."
"Adik ka!"
Hay... Mga to talaga. Kung ano ano ang iniisp. Anyway, its been a week since malasing ako ng bongga at talagang pinagsisihan ko din 'yun ng bongga. Ipinangako at itinaga ko na sa bato na kahit kailan hindi na ko maglalasing at mag-iinom sa buong buhay ko. Ang sakit kaya sa ulo. Parang biniyak sa sobrang sakit and there na-realize ko rin na totoo pala talaga 'yung sinasabi nila. Idaan mo man 'yan sa pag-inom, pagising mo nandiyan parin 'yung problema at idagdag mo pa 'yung tindi ng sakit ng ulo mo. Sa totoo lang, bago pa kasi ako pumunta kay Drake that time, dumaan ako sa isang bar at naka-ilang shot na at para hindi ako pagalitan ni Drake ay uminom muna ako ng konting kape pampaalis ng konting lasing at antok. Buti nga at hindi ako nahuli ni Drake eh. Nasa classroom kami ngayon at nag-iintay ng teacher namin.
"Tere!"
"Ay palaka!" napatalon ako sa gulat. Ano bang trip ng magkapatid na 'to?
"Hindi kami palaka." nakasimangot nilang sabi. Ano na naman ba? Napatingin ako sa paligid at napansin kong halos lahat sila ay nakatingin sakin pati narin sila Martin pero si Tristan deadma lang. Dahan dahan akong bumalik sa pagkakaupo. Hanggang ngayon ba galit siya? Simula kasi nung sigawan ko siya lagi na lang niya kong iniiwasan. Kulang na nga lang hindi na siya umuwi ng bahay eh.
"Ano bang problema, Tere? Ilang araw ka ng tulala o 'di kaya naman hindi nagsasalita." malumanay ng sabi ni Sunshine.
"Malungkot ka rin at hindi ka na rin nakakapag-concentrate sa klase. Pati nga si sir pogi nagtatanong narin kung may problema ka." segunda ni Roselle na ikinayuko ko. Nitong mga nakakaraang araw lagi na lang akong tulala. Bakit? Kasi iniisip ko na sana hindi na ko pumayag na mangyari 'yun. Na sana hindi na nangyari 'yun. Asan na 'yung ipinangako niya? Na magiging mabait na siya sakin at...susubukan na niya kong mahalin? Asan na? Hanggang pangako ka na lang ba lagi, Tristan?
"Tere..." sabay patong ng kanilang kamay sa balikat ko. Naiiyak na naman ako pero syempre, dahil nasa school kami ay pinigilan ko itong tumulo.
"...kung may problema ka, feel free to tell us."-Shine
"Kaibigan mo kami kahit na minsan napag-uusapan ka namin ng hindi maganda." si Roselle na napabuntong hininga. Napakunot ang noo ko. Anong hindi maganda?
"Tungkol naman saan?" curious kong tanong.
"Na masyado kang martyr at---hmmp!" sabay takip ng kamay ni Shine sa bibig ni Roselle. Napasapo ko ang ulo ko. Ang dalawang 'to talaga.
"Mga sira talaga kayo." napailing na lang ako.
"Kelan ba naging matino ang mga 'yan?" segunda sakin ni Drake na nakatingin ngayon sa labas. Ano kayang iniisip niya? Maya maya lang ay marahas na tinanggal ni Roselle ang kamay ng kapatid at tinitigan ng masama. Magsasalita sana ulit si Roselle ng dumating na si sir Henri. Okay! Kailangan kong bumawi.
"Good morning class. I need you to keep quiet. When the time I told you to speak 'dun lang kayo magsasalita or else may deduction kayo sa grade, understand?" ma-otoridad niyang sabi at sabay sabay kaming sumagot sa kanya. Ang strict talaga ni sir.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸
RomansaNot an ordinary unrequited love story. This is a story of love, second chances and forgiveness. Can true love turn into a deep obsession? Can true love forgets and heals the memories of the past? And how far can you go just to protect the one you lo...