A/N:
Hello Guys! Its been so long! Hehehe... Hope you like this chapter. :) Sorry kung napatagal masyado ang UD. :)
Vote, Comment, Follow Guys.
=============================================================================
Chapter 11: School Issue
MIKAELA THERESE's POV
"Ikaw pala ang hanap ko ang nais ko~~~"
"Jusko! Utang na loob Roselle! Tama na! Ang ganda ng araw ngayon oh kasing ganda ng pangalan ko! 'wag mong sirain." sinasabi ni Sunshine 'yan habang tinatakpan ang kanyang tainga. Mga 'to talaga.
"Sobra ka naman. Tere, okay lang naman ang boses ko hindi ba?" nasamid ako. Bakit naman bigla bigla na lang niya ko tinatawag?
*cough cough*
"Okay ka lang Tere?" 'yung kambal. Sinong magiging okay ha? Mga 'to talaga.
"Hm. Tubig." sabay bigay sakin ng tubig. Adik talaga sila. Uminom ako ng tubig saka huminga ng malalim. Thank God.
"Hoy! Kita mo na. Nakakasamid talaga 'yang boses mo." sabi ni Shine na ikina-simangot ni Roselle. Hindi parin ba sila tapos?
"Grabe ka talaga sakin, Shine." napabuntong hininga na naman ako.
"Tumigil na nga kayo. Kayo talaga ang hilig niyong mag-away. Bakit ba ang hilig niyo na lang lagi mag-away?" nakakarindi na kasi kung minsan.
"Kasi naman si Sunshine eh." sumbong ni Roselle.
"Anong ako? Ikaw kaya 'yung laging nag-uumpisa 'no." paghihimutok ni Sunshine.
"Hep! Tama na. Nakakarindi na kayo. Para kayong mga aso't pusa. 'yung totoo, tao ba talaga kayo?" hindi ako 'yan. Si Drake lang 'yan. Ang lalaking hindi nanggulo sakin nung weekend which is very unusual. Ano kayang nangyari?
"Ikaw pala Drake!" sigaw ni Roselle. Excited much?
"Hindi, si papa Tristan 'yan." pamimilosopo ni Sunshine na ikinasama ng tingin ni Roselle. Tignan mo 'tong dalawang 'to.
"Kita mo na Tere! Mangaagaw 'yang kapatid ko! May gusto siya kay Tris---Hmmmp!" bigla naman tinakpan ni Sunshine ang bibig ni Roselle.
"Hoy, for your information, ikaw ang unang nagpantasya sa kanya at hindi ako tsaka just to remind you, ikaw pa nga ang nagturo sa kanya sakin dati. Hay... Ang ingay mong babae ka. Gusto mo bang mabuking sila?" Napasapo na lang ako ng ulo. Ano ba naman ang mga 'to.
"Ang ingay niyo talaga. Tumigil na nga kayo. Para kayong mga bata. Tumigil na kayo at baka may makahalata pa." sermon ni Drake.
"Opo papa." pfft.
"Hahaha!" at sabay sabay kaming tatlong tumawa. Ang epic ng muhka niya. Hahaha! Hindi mo alam kung magagalit ba o may gustong ilabas. Hahaha! Kayo na ang manghula. Hahaha!
"Kayo talaga. Tumahimik na kayo at magsisimula na ang---"
"KYAH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" napatakip kaming lahat ng tainga sa biglang pagsigaw ng mga babae mula sa labas ng room. Ano na naman? Bigla namang napatingin din sila Tristan. Oo, kanina pa sila nandito at masaya ako kasi nagiging mabait na siya kahit konti sakin pero syempre, being Tristan andun parin ang pagiging masungit niya ang kaso hindi na ganun kadalas. Mabuti pala at nilagnat at nagbago. Hindi dahil pala kay uuod slash caterpillar. Hahaha!
"Sino naman 'yun? Hindi naman sila papa Tristan 'yun." si Roselle habang nagkakanda haba na ang leeg sa kakasilip. Bigla naman siyang itinulak ni Shine.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸
RomanceNot an ordinary unrequited love story. This is a story of love, second chances and forgiveness. Can true love turn into a deep obsession? Can true love forgets and heals the memories of the past? And how far can you go just to protect the one you lo...