A/N:
All right! Happy 130 reads, 5 votes and 4 comments guys! Thank you po sa mga sumuporta at nagbasa ng story ko. At dahil masaya ulit ako ngayon ay magu-UD po ako! For this week na po ito. Sa mga nag-vote at comment. Maraming salamat. Sana po patuloy niyo parin akong suportahan. E'to na ang UD ko. Have a nice day guys!
=============================================================================
Chapter 05: Spell Jealous
MIKAELA THERESE's POV
Ano bang naisipan ng mga 'yun at ako pa sa lahat ng babae sa classroom ang ipinasama sa kanya. Alam naman nilang ayaw ni Tristan akong makasama tapos ako pa ang pinasama nila.
"Ahm, Tristan. A-a---"
"Don't talk to me." ha? Bakit? Hindi naman ako ang may kasalanan ah. Hindi naman ako nag-volunteer. Adik na nilalang 'to. Ang lakas talaga ng topak. Hindi ko na siya kinausap pa dahil nasa hallway kami nun at kasalukuyan na maraming tao. Walang nag-takang magkasama kami dahil muhka kaming hindi magkasama kasi ang layo ba naman ng agwat namin. Hay, ang lalaking ito kahit pinagkakaguluhan na ng mga babae ngumingiti parin pero sakin ni minsan hindi niya ginawa. Hay... Nandito na kami sa clinic and guess what. WALA ANG NURSE. Bwiset na nurse 'yan kung kelan kailangan eh saka naman wala. Kung nag-break din dapat dito na lang siya kumain. Asar naman oh! Ba't wala!? Hindi ako mapakali sa kaka-ikot sa clinic. Asan na ba 'yung nurse? Bakit wala pa?
"Pwede ba? Umupo ka at para namang mamamatay na ko sa ikinikilos mo." hinanap ng mga mata ko si Tristan na prenteng naka-upo sa isa sa mga upuan dito. Oh!
"K-kanina ka pa ba naka-upo diyan?" walang ganang tinignan lang niya ko. Oh, muhka nga. Umupo ako sa tabi ng silya niya ng biglang ma-analyze ko ang sinabi niya.
"Ano ka ba!? Anong mamamatay?! Baliw ka na ba!? Adik ka ba!? A---"
"Ang ingay mo Therese! Masakit nga sabi ang ulo ko!" asar nitong sabi sabay pikit. Oops. Oo nga pala. Labag man sa kalooban ko pero nanahimik na ko. Asar talaga siya. Hindi ko siya pinansin hanggang sa dumating ang nurse na bwiset. Paanong hindi bwiset eh late na nga tapos makatingin pa kay Tristan akala mo rereypin na ang asawa ko. Sarap sabihin na ako ang asawa...kung pwede lang.
"naku, 39.4. Masyadong mataa---"
"Masyado ba 'yun? Ang taas kaya. Hindi niyo ba alam ang pagkakaiba ng 37, 38 at 39?" sarcastic kong sabi. Nakakaasar siya ha. Minsan naaasar ako sa mga malalanding babaeng tulad nito.
"Ehem. So, ang ibig sabihin, kailangan kong umuwi?" mahinang sabi ni Tristan. Kawawa naman si Tristan. Bakit kaya 'to nagkasakit?
"Oh, oo kailangan. Bibigyan na lang kita ng slip para maipakita mo sa teacher niyo at para maka-uwi ka narin. Ikaw, Ms. Nobody. Bumalik ka na sa classroom niyo at baka hinahanap ka narin." luka luka ba 'to? Pinapaalis ako dahil gustong masolo si Tristan. Kung ayoko kaya? Anong gagawin niya? Bwiset siya. Sarap ihampas sa pader. Kung pwede lang ginawa ko na. Alam niyo ba ang ginawa? Ang sweet ng pagkakasabi niya kay Tristan tapos pagdating sakin halos sabihin na niyang umalis ka na dito para masolo ko si Tristan. Hay! Asar!
"Hindi. Kailangan niyang umuwi." simpleng sabi ni Tristan na ikinatingin namin ng nurse na muhkang nasubsob sa harina. 'di nga? Bakit? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸
RomanceNot an ordinary unrequited love story. This is a story of love, second chances and forgiveness. Can true love turn into a deep obsession? Can true love forgets and heals the memories of the past? And how far can you go just to protect the one you lo...