A/N:
Happy New Year everyone! Eto na po ang UpDate ko. Sorry kung na delay na naman siya kasi po ayaw magbukas ulit ng watty ko kaya ngayon lang po ulit ako nakapag-UD. Buti at umabot ako ng New Year. Thanks for waiting. :)
Vote if you want.
Comment if you like.
Follow if you desire.
=============================================================================
Chapter 34: Rivalry
MIKAELA THERESE's POV
"Siya 'yung walanghiyang bumangga sakin kanina!" halatang nagulat 'yung mga nakarinig sakin ngayon at wala akong pakialam kung marinig nga nila. Ang lalaking 'yun! Agh! Hindi ako makapaniwalang makikita ko pa ang taong 'yan! And to think na pinsan siya nila Jerome? It can't be! Agh! Nakakaasar!
"T-therese?" utal na sabi ni Warren sakin pero hindi ko lang inintindi. Hinintay ko siyang bumaba ng stage at syempre, tulad ng inaasahan. Pupuntahan niya 'yung grupo nila Tristan kaya agad kong hinatak si Warren at pumunta sa pwesto nila Tristan. Agh! Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na 'yun 'yung lalaking walang modo! Nang makalapit na ko sa kanila ay halatang nagulat sila samin ni Warren. Isa pa 'to. Kanina ko pa napapansin na sa lahat ng daan namin ay may mga matang nakasunod samin. Para naman saan 'yun? Ano bang meron at kung makatingin silang lahat samin eh parang hindi sila makapaniwala na ewan! May mali ba?
"Ano?" supladang tanong ko na nagpabalik sa kanila sa realidad. Ano bang nakakatulala ha?
"Wow. Therese, ikaw ba 'yan?" manghang tanong sakin ni Martin sabay lapit sakin at tinitigan pa talaga ako ng loko.
"Aray! Bakit?" angal ni Martin. Hinampas ko kasi sa braso niya. Ang creepy niyang tumingin.
"Nakakatakot ka, Martin." pagkasabi ko nun ay lahat sila napatawa bigla habang si Martin napakunot ang noo. Totoo naman eh!
"Martin kasi! 'wag mo ng isahan 'yung isa diyan. Taken na 'yan bro. Maghanap ka na lang ng iba at baka mabasag pa ang muhka mo. Hahaha!" si Jerome na tuwang tuwa sa sinabi ko. 'teka, hindi joke 'yung sinabi kong nakakatakot si Martin.
"Tsaka baka pwedeng makaramdam 'yung iba diyan! Baka imbes na matiwasay na party lang ito ay baka maging rambol." parang nagpaparinig na sabi ni Drake na ikinakunot ng noo ko. Nagpaparinig ba siya o ano?
"Hay naku. 'teka nga, maiba tayo. Bakit ngayon lang kayo nagpakita ha?" si Jomaru na may hawak na...ano 'yun? Wine? Paano nagkaroon ng wine dito? Lumapit ako kay Jomaru at kinuha 'yung hawak niya saka inamoy. Napalayo ako agad sa naamoy ko. Ang tapang!
"Jomaru, paano ka nakapasok ng ganito dito? Hindi 'to pwede ha." sermon ko sa kanya. Ano bang kalokohan ang iniisip nito? Sinamaan lang niya ko ng tingin at tatangkain pa sanang kunin pero agad kong inilayo.
"Acquaitance party ito at hindi lasingan party kaya umayos ka nga. Baka mahuli ka pa eh." sermon ko sa kanya na ikinakot lalo ng noo niya. Hay... Napailing na lang ako. Mga 'to talaga.
"Sobrang concern mo. Bakit?" napalingon ako sa nagsalita sa gilid ko and there he is...bakit ang suplado naman ata ng lalaking 'to ngayon? Parang kanina lang may payakap yakap pa siya tapos e'to na naman siya at nagsasalubong na naman ang kilay. Anong problema nito?
BINABASA MO ANG
Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸
RomantikNot an ordinary unrequited love story. This is a story of love, second chances and forgiveness. Can true love turn into a deep obsession? Can true love forgets and heals the memories of the past? And how far can you go just to protect the one you lo...