Chapter 19: Welcome Back

5.1K 96 7
                                    

A/N:

Have a nice day! :D

Vote, Comment, Follow Guys.

=============================================================================

Chapter 19: Welcome Back

MIKAELA THERESE's POV

Napainat ako habang nasa library. Its been 2 weeks since nangyari 'yung incident na 'yon at hanggang ngayon muhkang wala parin sa mood si Tristan. Hindi ko alam kung may nagawa ako sa kanya that time or talagang may nagawa ako sa kanya. Hindi kaya hanggang ngayon iniisip niyang mas kinakampihan ko si Warren kesa sa kanya? Pero everytime naman na kakausapin ko siya nitong mga nakaraang araw, iiwasan niya lang ako hindi tulad ng dati na sisigawan o pagagalitan niya ko, ngayon iba na eh. Parang mas gusto ko pang nagagalit siya sakin kesa sa sobra siyang tahimik. Hindi ko tuloy alam kung anong tumatakbo sa isip niya at parang bumabalik na naman siya sa dati. Napatingin ako sa relo ko at nakita kong malapit na palang mag-time kaya tatayo na sana ako ng bigla akong kabahan. Napahawak ako sa dibdib ko. Para naman saan 'yun? Bakit bigla bigla? May nangyari ba kay Tristan? Ano---

"Okay ka lang?" napalingon ako bigla sa taong nagpatong ng kamay sa balikat ko at nakita ko si Warren na parang nag-aalala. Bakit naman?

"Oh, nandito ka rin? Anong ginagawa mo dito? Tsaka bakit ka parang..." mahinang sabi ko kasi nga kinakabahan ako na hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit.

"Parang ano? Nag-aalala? Oo, nag-aalala ako. Nakita kasi kitang nakahawak sa dibdib mo. May masakit ba?" pagpapatuloy niya sa sinabi ko at umupo sa tabi ng upuan ko. Ah, so nakita niya ko.

"Wala 'yun. Bigla lang akong kinabahan ng walang dahilan." at pinilit kong ngumiti sa kanya. Ayokong mag-alala siya sa bagay na wala namang ibig sabihin. Napansin kong bigla siyang sumeryoso. Bakit na naman?

"Kinabahan ka ng walang dahilan? O baka naman hindi mo pa nalalaman ang dahilan?" napatigil ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?

"What do you mean?" kinakabahan kong sabi. Bakit lalo ata akong kinabahan? Ano ba 'to. Hindi ko na gusto 'to. Napabuntong hininga siya at inilagay sa likod ng ulo niya ang dalawa niyang kamay.

"Alam mo, ganyan din ako 'nung bata ako, before malaman kong anak lang ako sa labas." siya habang nakatingin sa kisame ng library. Kinakabahan talaga ako.

"What do you want to tell me?" muhkang hindi ko magugustuhan ang maririnig ko.

"Alam mo, may mga bagay na hindi sa lahat ng oras malalaman mo agad ang dahilan. May time na mauunang mararamdaman mo 'yun bago mo malaman kung bakit mo 'yun naramdaman. Katulad ko, naramdaman ko muna o sa madaling salita kinabahan o kinutuban muna ako bago ko nalaman na anak pala ako sa labas ni dad. Kaya ikaw Therese, advice ko lang, 'wag kang pasisiguro na walang ibig sabihin 'yan kasi ilang beses ko ng naranasan 'yan at sa tuwing nararanasan ko 'yan, hindi ko nagugustuhan ang nagiging resulta. Alam mo, minsan mas maganda pang malalaman mo na lang ng biglaan bago ka masaktan kesa naman sa naramdaman mo na agad at nasasaktan ka na psychologically dahil sa pag-aalala mo bago mo malaman at sa oras na malaman mo 'yun ay mas lalo ka lang masasaktan. Alam mo mas mahirap 'yun kasi kahit hindi mo pa alam, hindi ka na papatahimikin ng nararamdaman mo kaya don't let your guard down, Therese." pagpapatuloy niya na ikinatigil ko. 'yung totoo, nalito ako. Hindi ko siya masyadong naintindihan pero parang mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Napakagat ako sa labi ko. Anong gagawin ko kung totoo man ang sinabi niya?

"Bakit? Ayaw mong maniwala sa kaibigan mo?" napatingin ulit ako sa kanya na ngayon ay nakatingin narin sakin. Seryoso siya.

"Hindi naman pero ayokong mag-isip ng mga ganyang bagay." mahinang sagot ko.

Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon