Chapter 10: First Date

5.7K 130 4
                                    

A/N:

Hello everyone! E'to na po ang UD ko. Sana magustuhan niyo.

:D Thank you sa lahat na patuloy na sumusuporta. Enjoy.

Vote, Comment, Follow Guys.

=============================================================================

Chapter 10: First Date

MIKAELA THERESE's POV

Tahimik lang akong nakisabay kay Tristan habang hawak niya ang kamay ko. Ih! Ano ba 'to? Nakakaasar! Kinikilig ako. DATE ITO. D-A-T-E! IHHHHH! Hindi ko naman mahawakan 'yung kamay niya kasi baka sabihin niyang feeler ako.

"Nandito na tayo." hindi ko napansin na nandito na...'teka! Napaharap ako sa kanya at nanlalaki ang mga mata ko. Seryoso ba siya?

"'teka, sigurado ka? Dito? Hindi nga?" hindi makapaniwalang sabi ko. Talaga naman kasing mahirap paniwalaan. Tinaasan na naman niya ko ng kilay. Hay... Nagtataray na naman ang asawa ko.

"Ayaw mo? Sige, umuwi ka na." mauuna na sana siyang maglakad ng hawakan ko siya sa siko niya.

"Hindi. Nagulat lang ako." Tingin niya maiiwan ko siya dito? Kita mo naman sa mga mata ng mga malalanding mga hitong babae na 'to na may gusto sila sa asawa ko.

"'yun naman pala eh. Halika na." and for the second time. Hinawakan na naman niya ang kamay ko. AHHHHHHHHH! Kinikilig na talaga ako. Tristan naman eh! Lumapit kami kay kuyang nagtitinda ng fishball. Oo, streetfood ang gusto ng mahal kong asawa ngayon. Napangiti ako kasi ang cute ni kuyang nagtitinda. Bata pa siya at may itsura. Siguro kung walang Tristan Zaragoza na pinanganak sa mundong 'to baka na-fall na ko kay kuyang nagtitinda ng fishball. Muhkang mabait kasi eh kaya siguro madaming bumibiling babae sa kanya.

"Ano pong gusto nila?" ang cute naman ng boses. Hahaha! Tama na nga. Baka isipin niyo pa ang landi ko.

"Ikaw na ang mag-order at may bibilin lang ako." at umalis siya bago pa ko makasagot. Ang lalaking 'yun talaga.

"Miss, sa inyo?" baling sakin ni kuyang nagtitinda.

"Ah, tatlong order po ng kikyam, fishball, french fries tsaka hmm...burger na lang." napa-ngiti si kuyang nagtitinda. Bakit? Ano bang nasabi ko para ngitian niya ko?

"Bakit kuya?" tinanong ko na kasi baka mapatay pa ko ng mga babaeng nakapalibot kay kuyang nagtitinda. Nakakatakot ang mga tingin nila.

"Ang lakas mo palang kumain miss." ah.

"Hindi naman. Mahilig kasi sa streetfoods 'yung kasama ko kaya dalawa 'yung inoder ko sa kanya." magalang kong sagot. Gusto ko sanang sabihin na asawa ang kaso baka magalit si Tristan. Nakakatuwa siya kasi muhkang may pinag-aralan. 'yung iba kasi nakakabastos tumingin o kaya naman suplado.

"Ang bait mo naman. Sino pala 'yung kasama mo?" sasagot na sana ako ng biglang may nagsalita sa likod ko.

"Asawa bakit?"

TRISTAN VINCENT's POV

Bumili lang ako ng fruits kasi hilig kong kumain ng fruits kahit na wala pang laman ang tiyan ko. Healthy lifestyle 'to 'no. Kaya nga may perfect abs at biceps ako eh. Regular excercise lang naman 'to at healthy life style. Taka siguro kayo kung bakit ko siya dinala dito. Before kasi nung nagba-bonding kami when we were kids, dito kami dinadala ni Therese kasama ang mga kapatid ko. Namiss ko lang. Almost 3 years na ata 'yun. Naaninag ko na si Therese sa pinag-iwanan ko sa kanya at muhkang nage-enjoy si tindero na makausap siya. Muhkang type pa siya. Dapat pala hinayaan ko na lang siyang magbihis kanina. Agaw pansin siya kung hindi niyo kilala. Naka-dress lang naman ang kaso agaw pansin. Tsk. Umiinit na naman ang ulo ko. Lumapit ako sa kanila at ang loko pangiti ngiti pa kay Therese at ang babaeng ito naman parang ewan. Ano ba 'to, tanga lang?

Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon