Chapter 36: The Modern Romeo and Juliet

4.5K 84 9
                                    

A/N:

Hi everyone! Eto na po ang UD ko for this week. Thanks for waiting. :)

Vote if you want.

Comment if you like.

Follow if you desire.

=============================================================================

Chapter 36: The Modern Romeo and Juliet

MIKAELA THERESE's POV

"And before this semester ends. I want all of you to make a class play." huh? Play? Drama?

"Okay class. I told you earlier na listen to me first." si sir Henri na seryoso na naman. Hay... Natahimik ang mga nasa paligid nang sabihin niya 'yan. Strict nga kasi 'di ba?

"Okay. Good. Back to the topic. Gusto kong gumawa kayo ng isang play para sa school fest natin next year and don't worry, may credits kayong makukuha sakin." hay... Credits. Maniwala ako sayo.

"Trust me." napakunot ang noo ko dahil biglang tumingin sa direksyon ko si sir. Ay grabe. Nabasa ba niya 'yung nasa isip ko? Matteo Do lang?

"Just like what I said. May credits kayong makukuha dito. My 3 MAJOR subjects to you will be automatically be pass---"

"Yes!" sabay sabay na sabi nung mga kaklase ko. Ibang klase talaga sila. Isang malaking. WOW. Seryoso ba si sir? Kaming lahat?

"I'm not yet finished, guys." at nagsi-tahimikan naman sila. Tsk. Mga maiingay talaga sila.

"Okay, back to the topic again. My 3 MAJOR subjects to you will be automatically be pass if they got the MAIN Casting."

"What?!" at sabay sabay na naman ang mga kaklase ko. Anong nakakagulat sa sinabi ni sir? Aish. Nakakabwiset naman 'tong araw na 'to. Idagdag mo pa 'tong hinayupak na lalaking 'to na nasa tabi ko lang.

"Therese..." pabulong lang niyang tawag sakin. Tsk. Bahala ka. Magtatawag ka lang diyan.

"Therese..."

"Rese..."

"Ayaw mo talaga akong pansinin, Mikaela Therese?" tse! Bahala ka diyan! Tumingin na lang ako sa board kahit na sobrang bored na bored na ko. Hay! Nakakaasar! Wala 'yung mga kumukulit sakin! Napairap na lang ako ng biglang may kumalabit sakin sa gilid ko at talaga namang binubwiset ako ng lalaking 'to. GRR! Nakakagigil na talaga siya! Agh!

"Ano ba!?" iritang sabi ko sa kanya pero kahit na gusto ko mang sumigaw eh alam naman natin na hindi pwede at isang ngiti lang ang isinukli ng mokong. Talaga naman oh! Asar!

"Ang init ng dugo mo sakin 'no, Baby?" halos malaglag na ang panga at ang mga mata ko sa sinabi niya. Asa---

"Sir! Si Aguilar ginugulo si Aquino!" nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Drake at muhkang ang init pa ng ulo niya. At ano namang problema nito?

"Aguilar, Jason. Aquino, Therese. May problema ba?" biglang lipat ng atensyon ni sir Henri samin. Talaga naman 'tong taong 'to oh! Namamahak pa! Sasagot na sana ako nang biglang sumigaw na naman si Drake. Ano bang problema nito at sigaw ng sigaw?

"Si Aquino po wala. Baka po itong si Aguilar meron." mariing sabi ni Drake sabay tingin kay Jason ng sobrang seryoso na ikinapagtaka ni Jason. Halata naman kasi sa muhka ni loko na nagulat din siya sa inakto ni Drake.

"Aguilar, Jason?" tawag ni sir kay Jason na nakapagpabalik ng tingin niya kay sir.

"Wala po sir! May tinatanong lang po ako kay Therese tungkol sa school." nakangiti niyang sabi na ikinatango ni sir tsaka muling nagsalita.

Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon