TBG 2 : Blackmailing

2.9K 93 8
                                    

TBG 2 : BLACKMAILING

_________________________________________________________

Lead's POV

NAKATAMBAY ako ngayon sa corridor kasama ang mga katropa ko.

"Seriously, kanina pa tayo nandito. Tapos wala man lang nangyayari." Reklamo ni antimony. Itinaas ko naman ang isa kong kilay at tumingin sa kanya habang nginunguya nguya ang bubble gum na nasa bibig ko.

"Maghintay ka lang muna kasi, baka naghahanap pa siya ng tyempo." - Neon

Tama! Naghahanap pa nga ako ng tyempo sa taong bibiktimahin ko ngayon. Hinahanap ko ang taong nakita ko noon sa banyo. Nalaman ko kasi kung ano ang tinatago nitong sekreto, pasensya nalang siya kung ano ang gugustuhin kong makuha sa kanya. Hindi ko naman kasalanan na naging ganu'n siya.

-FLASHBACK-

LUNCH TIME ng mapag - isipan kung magbanyo para umihi. Pagkapasok na pagkapasok ko sa C.R. , bigla akong nakarinig ng boses ng lalaki. I think may kausap ito sa phone.


"Opo! Dad....U-uhm, Oo naman po. Don't worry dad....Okay bye!" Sabi nito.

Napailing nalang ako matapos akong umihi at aalis na sana ako, pero hindi ko naituloy dahil may narinig akong kakaiba nang boses.

"My god, akala ko mabubuking na aketch. Kaloka naman kasi ni daddy." Rinig kong sabi atsaka bumuntong hininga siya.


Agad akong tumakbo palabas ng banyo. Sumandal ako sa gilid ng pader na parang tumatambay lang at nakita kong lumabas na 'yung lalaki-este-bakla pala. Lumabas ito ng normal lang.

Lakas rin magkunwari nito'noh? Sabi na kasi e, wala talagang taong walang tinatagong sekreto.


Napangiti nalang ako at naglakad na ulit pabalik sa canteen.


-END OF FLASHBACK-

***********


"Mga tsong, aalis na muna ako. Nababagot na ako sa kakatambay dito geh." Sabi ni copper habang lumakad na palayo. Bahala sila!

"Sunod na muna ako kay cops ha bye." Sabi ni antimony at tumakbo upang sundan si copper. Nakita ko namang humawak si neon sa tiyan niya, kaya napatingin naman ako sa kanya at pinangngunutan ko siya ng noo.

"Ano, buntis ka?" Tanong ko. Binatukan niya naman ako.

Aba't! Lakas makabatok nito ah. Siya ba ang leader ha? Tss.

"Loko! Hindi 'no, nagugutom lang talaga ako. Kain muna ako ha?" sabi niya at naglakad narin palayo.


Kanina pa kasi kami nandito. Siguro halos kalahating oras na kaming nakatambay dito sa corridor. Hindi kami cutting sadyang vacant time lang namin ngayon. May meeting daw kasi yung titser namin sa math at mabuti na 'yun, dahil nakalusot du'n si copper.

Bigla namang tumayo ang katabi kong si zinc. Ba't ang tahimik nito? Minsan napapaisip ako kung bakit siya nasali sa grupo namin, pero siguro baka ang galing niya rin talagang mambasag ng mukha kaya nasama siya sa tropa namin. Hindi rin naman maipagkakait sa kanya na matalino siya. Pero ang nakakainis lang du'n e, ayaw magpakopya, bawal daw 'yun.

The Blackmailer Gangster (Snail Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon