TBG 28 : REHEARSAL (part ll)

708 32 1
                                        

ADVANCE HAPPY NEW YEAR!! :)

_________________________________________________________________

Krypton's POV

Nakarating kami sa isang vendor. Ano ba ang gagawin namin dito? Nauna naman siyang lumapit sa tindera, sumunod naman ako sa kanya.

"Give me two vanilla ice cream with toppings and chocolate syrup." Tumango tango naman yung tindera. Maya maya pa'y binigay na niya sa amin yung ice cream.

"Bayaran mo." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Huh? Seryoso ka? Ikaw 'tong o-order order tapos ako ang papagbayarin mo? Nahihibang ka na ba?" Kumain muna siya ng ice cream bago niya ako sagutin.

"Mukha ba akong nagpapatawa. Malamang seryoso ako. Tss!! Remember slave kita diba? Kaya bayaran mo na. Pinaghihintay mo yung tindera eh." Kung hindi lang talaga nakatingin sa amin ang tindera baka kanina ko pa 'to nasapak. Nakakainis talaga! Wala na akong magawa kundi ang kunin ang maliit kong wallet sa bulsa.

"Ate, ilan po ba lahat?" Tanong ko at tumingin tingin sa laman ng wallet ko.

"Ahm! 50 pesos po lahat." Tumango naman ako at bago ko bilangin ang pera ko ay binigyan ko muna ng roll eyes 'tong kumag na ito. Psh!

50 pesos lang pala. Sana naman kayanin ng pera ko. Napatingin ako sa puro barya kong pera.

5.. 10... 15... 1...2..3..

Napahinto ako nang hanggang 33 pesos lang ang mabilang ko. Eh, yun nalang talaga ang perang nasa wallet ko e. Unti-unti akong tumingin sa tindera at kay lead.

"Oh! Ano bayaran mo na." Aba't nakakaloko 'toh ah. Lumapit naman ako sa kanya saka bumulong.

"Baliw! Kulang ang pera ko."-Ako.

"Bakit ilan ba ang pera mo?"-Siya.

"33 pesos." Mahina kong sagot. Inubos na niya ang ice cream niya at saka siya sumagot.

"Tss! How poor." Isa nalang talaga pigilan niyo ako at baka itapon ko 'to palabas ng earth. Wagas makaasar ha. Akala mo naman kung sinong mayaman. Lumapit siya sa tindera at may kinuha siya sa wallet niya. Isang credit card. Well, siya na talaga ang mayaman.

"Ah! Sir, cash lang po ang tinatanggap namin." Sagot nito. Ayan! Akala niya kasi nasa mall kami kaya ganyan makalabas ng credit card. He rolled his eyes at saka kumuha ng cash sa wallet niya.

"Oh! Ito." Pagbibigay niya ng pera sinuklian naman kaagad siya ng tindera. Inubos ko muna ang ice cream ko at maya maya pa'y umalis na kami. Sunod kaming pumunta sa subdivision namin at nagtungo kami sa playground. Umupo siya sa swing. At ako naman ay nagmistulang nakatayo sa gilid niya. Tinignan ko siyang humawak sa magkabilang kadena ng swing. Feeling bata na naman ang gagu. Tsk!!

"Hoy! Halika dito." Biglang sabi niya. Walang gana naman akong tumingin sa kanya.

"Huwag mo nga akong ma'hoy' hoy. May pangalan ako. Psh!" Napapairap kong turan sa kanya. Jusko! Ayoko pang maging matanda, pero sa ginagawa niyang pang-iinis at pang-aasar sa akin, parang maagang kukulubot ang mga balat ko. Tss! Napacross-arms nalang tuloy ako. At binaling ko ang tingin ko sa paligid.

"Itulak mo ako." Nanlaki ang mga mata ko at nagpunta ako sa harap niya.

"Ano ka bata?" Asar 'toh. Kainis! Tch.

"Oo, kaya itulak mo na ako slave." Leche! Ginawa na talaga akong katulong nito.

"Sa totoo lead, ano mo ba talaga ako? Slave o girlfriend?" Bigla kong naitakip yung bibig ko dahil sa sinabi ko. Waaahhhh!! Krypton, nakakahiya ka! Ano ba'ng kahihiyan ang tinanong mo kay lead?

The Blackmailer Gangster (Snail Update)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon