Kung may nagbabasa pa nito. Please kindly VOTE.COMMENT. AND SHARE. Salamat :)
_____________________________________________________________
TBG 38 : Valentines
Krypton's POV
Late na akong nakapasok sa school. Mabuti na nga lang valentines at sa tingin ko naman walang magaganap na lesson ngayong araw. Nagpunta ako sa classroom at halos lahat ng kaklase ko nakared. Pati na rin ang ibang estudyanteng nakasalubong ko kanina. Feel na feel talaga nilang magcelebrate ng valentines ah. Yung iba kasi nakacouple shirt pa. Tss!
"Oy! Krypton, bakit naka puti ka? Wala ka bang partner? Kawawa ka naman. Pwede naman ako ang maging partner mo dapat kasi sinabi mo sa akin kahapon pa para naman nakabili ako ng couple shirt na-------" Hindi ko na pinansin pa ang pinagsasasabi ni antimony sa akin. Loko talaga! Porket ba nakaputi wala nang syota? Kung alam niyo lang. Aist! Tinawag pa niya ako pero hindi ko nalang ulit siya pinansin. Nagtungo nalang ako sa upuan ko at nilapag ang bag ko pagkatapos ay nagtungo ako sa labas. Bigla ko namang nakita si shane na nakapula rin.
"Shine..." Tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya sa direksyon ko saka nginitian ako.
"Oh! Ba't kulay puti 'yang damit mo?" Tanong niya. Bakit ba napapansin nila ang kulay ng damit ko? May iba naman ditong nakaputi rin diba? Yung iba nga colorful ang damit. Ano bang problema do'n.
"Wala lang. Bakit masama ba?" Nagtataka kong tanong. Umiling-iling naman siya.
"Hindi naman. Akala ko kasi boyfriend mo na si lead." Natatawa niyang sagot.
"Gaga! Hindi ko naman magiging boyfriend 'yun. Tss!" Sabi ko.
"Weh? Sure ka? Huwag kang magsalita ng tapos ha. Baka bukas malaman ko nalang na kayo na pala." Ano ba naman ang pinagsasasabi niya? Ang awkward kaya no'n. Psh! Hindi na ulit ako nagsalita sa sinabi niya. Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat sabihin.
"Halika makinig tayo do'n sa dedication booth." Bago paman ako maka-oo ay hinala na niya ako palapit sa dedication booth. Hanggang dito lang kami sa gilid dahil hindi na kami makasiksik sa rami ng estudyante.
"Dear Kuya Zinc,
I know, hindi mo ako kilala. Pero alam mo po crush na crush kita. Hindi ko magawang magpapansin sayo kuya zinc dahil baka sabihin ng iba na ang bata ko pa tapos lumalandi na ako. Kaya hanggang tingin lang po talaga ako sayo kuya zinc. Ang awkward man pong tawaging kang kuya pero kailangan dahil ilang taon ang pagitan nating dalawa. Sana kuya zinc naririnig mo 'to ngayon. Crush po kita.
~little bunny."
Rinig na rinig ko lahat ang sinabi ng mambabasa. Seriously? Pati pala bata nagkakagusto kay lead. Hindi naman do'n sinabi kung anong grade level siya pero sa tingin ko parang grade 7 palang o mas tawagin 1st year high school. Natawa nalang ako at nailing sa sulat.
"Marami-rami na rin ang mga sulat na nasa'tin. Uubusin ba natin 'to lahat?" Tanong no'ng isang may hawak ng mic. Hindi ko masyadong makita ang mga mukha nila dahil natatabunan sila ng ibang estudyante.
"May letter naman tayo dito na galing kay....Ms. Potato!" Sabi ng boses babae.
"Dear Lead Tyson,
Isa ako sa blinackmail mo, naaalala mo ba no'ng panahong pinagbantaan mo ako na isusumbong mo ang sekreto ko sa nanay ko kapag hindi ko binigay sayo ang baon ko? Alam mo bang natakot ako no'n kaya wala akong nagawa kundi ibigay ang natitira kong pera sa bulsa? Pero ang hindi ko alam ay no'ng maramdaman ko ang pagtibok ng puso ko no'ng magdikit ang kamay natin kahit saglitan lang. Sa mga araw na 'yon ay lagi na kitang napapansin. Lagi na kitang nakikita pero dumating ang araw na nakita kong may kasama kang iba. Alam mo ba lead na narealize ko sa sarili ko na crush kita? Ang malas lang dahil hindi tayo pwede kasi sa tingin ko may mahal ka nang iba. Kaya hanggang crush lang talaga kita. Kung siya na talaga ang forever mo. Susuportahan nalang kita.
BINABASA MO ANG
The Blackmailer Gangster (Snail Update)
PetualanganHighest Ranking #5 A story of a Blackmailer Gangster who fell inlove with an ordinary girl.
