Read at your own risk! Nasa point of action po ito. Enjoy!!
_____________________________________________________________
Krypton's POV
Hindi ko alam, pero parang kinabahan ako nung makita ko ang seryosong mukha ni lead. May something na hindi ko maipaliwanag.
"Kaya pala nawawala 'tong si zinc e, nandito lang naman pala 'to sa canteen nagmomoment with krypton." Cross-arms na sabi ni neon.
"Kung hindi ko lang talaga kayo kilalang dalawa. Baka mapagkamalan ko kayong magjowa." Natatawang sabi ni antimony dahilan para mabatukan siya ni lead. 'la ano problema nito?
"A-aray! Ba't nambabatok ka pre? Apektado ka ba?!" Tanong ni antimony. A-anong pinagsasasabi nito? Si lead magiging apektado. Ha ha ha! Katawa yun ah!
"Aminin mo na kasi pre." Tudyo pa ni copper at siya naman ang binatukan ni lead. Nakita ko ang biglang pagtayo ni zinc.
"Wait...Bakit kayo nandito?"- zinc.
"Bakit? Ayaw mo bang makaistorbo kami sa moment niyong dalawa?" Lead asked. Umiling naman si zinc..
"No. It's not what I mean. Tinatanong ko lang naman kung bakit kayo nandito e, hindi ba pabalik na kayo sa classroom kanina?"-zinc
"Oo nga. Nang malapit na kami sa classroom kanina e, hindi kami natuloy dahil ikaw naman ang biglang nawala tsaka ito namang si lead ay bigla kaming nakita kaya sumama narin siya sa paghahanap sayo." Paliwanag ni antimony. Sumang-ayon naman sila neon at copper.
Teka! Nawawalan na yata ako ng exposure sa storya na 'to ha?
"Oh! Ba't hindi ka yata naimik jan krypts?" Biglang tanong ni antimony. Hala! Kung maka-krypts 'tong lalaking 'to. Akala niyo naman close kami. Close nga ba kami? Hindi naman yata diba?
"Ah! Wala. Ayoko naman kasing makiusyuso sa usapan niyo." Sagot ko.
"Weh?! Sigurado ka ba?"-Antimony.
"Oo."-Ako
"E, paano kung ikaw na ang pinag-uusapan namin? Hindi ka pa rin ba makikisali?" Hindi naman ako nakasagot sa itinanong ni neon.
"Ano? Dito nalang ba kayo mag-i stay o babalik na kayo sa classroom?" Parang naiinip na tanong ni lead.
"Dito lang muna yata kami pre."- antimony.
"Tsk! Bahala kayo inuudlot niyo ang moment ng dalawang iyan. Sige! Babalik na muna ako." Walang gana niyang sabi saka naglakad paalis ng canteen.
"Lagot ka! Nawalan tuloy ng gana si lead." Pananakot ni copper kay antimony.
"Loko! Bakit ako ang sinisisi mo. Sa akin ba nagseselos si lead? Hindi naman diba?" Pagdedepensa niya. Tumayo naman ako sa sinabi ni antimony.
"Hoy! Anong nagseselos yang pinagsasasabi niyo? Mainit lang talaga ang ulo ng lalaking yun, kaya nawalan ng gana." Sagot ko sa kanya. Hinawakan naman ako ni zinc.
"Huwag mo ng patulan ang mga 'yan." Bulong pa niya. Nahalata yata nila ang pagbulong sa akin ni zinc kaya kita ko sa mukha ng dalawa ang pagtataka.
"Hoy! Hoy! Zinc, ano na naman 'yang binubulong mo kay krypton?"- copper.
"Nothing." He said. At tumingin sa akin.
BINABASA MO ANG
The Blackmailer Gangster (Snail Update)
AdventureHighest Ranking #5 A story of a Blackmailer Gangster who fell inlove with an ordinary girl.