TBG 25 : Krystal

639 26 0
                                        

Krypton's POV

Matapos niya akong mapapayag na magpanggap bilang girlfriend niya ay bigla niya ulit akong kinaladkad papunta sa bahay nila. Nang makarating kami sa loob ng bahay nila, agad kaming dumiretso sa office room ng daddy niya. Bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Kinakabahan ka ba?" Mapang-asar niyang tanong. Inirapan ko nalang siya sa sinabi niya.

"Dad..." Tumingin naman ang daddy niya sa amin.

"Who's that!?" Tanong ng daddy niya bigla naman akong hinila ni lead palapit sa kanya at sabay niya akong inakbayan. Kumukurot ako ng tao. Tss!!

"Dad, I want you to meet my girlfriend.. Krypton." Masaya at mukhang proud niyang sabi. As if naman totoo. Tch! Tumayo naman ang daddy niya mula sa pagkakaupo. Lagot!! Wala akong kasalanan ha.

"Iniinsulto mo ba ako ha? Alam mo namang may mapapangasawa ka na tapos naghanap ka pa ng iba? How could you do that to your father ha?" Naiinis na sabi ng daddy niya. Nginisian lang naman siya ni lead. At mas lalong hinigpitan ang pagkakaakbay sa akin.

"Langya ka! Huwag mo naman akong sakalin." Bulong ko sa kanya, pero hindi nalang niya ako pinansin. Bingi talaga 'tong kumag na 'toh! Nakakainis. Argh!!

"I'm sorry dad.. pero Mahal ko ang babaeng 'toh." Pwe!! Ang corny at ang plastik mo lead. Tsk!!

"No.. lead, kailangan mo siyang hiwalayan." Diinang pagkakasabi ng daddy niya. Nakarinig naman kami ng pagtunog ng doorbell, kaya lumabas ang daddy niya at sumunod naman kami.

"Hoy!! Inaakbayan mo ba ako o sinasakal?"-Ako.

"Shhh!! Huwag kang maingay. Sumunod ka na nga lang." Aba't! Siya pa ang may lakas na pagsabihan ako. Kukutungan na talaga kita. Nanggigigil ako sa lalaking 'toh. Tsk!! Pumunta kami sa may pintuan at may nakita kaming isang babaeng iniluwa sa loob ng kotse. May kasama itong dalawang bodyguard at ang isa dito ay pinapayungan siya. Sosyalera ang peg mo 'teh.

"Oh!! Ayan na pala 'yung mapapangasawa mo kuno. Maganda naman kaya huwag mo ng ituloy 'toh." Sabi ko sa kanya. Totoo naman talaga, maganda at maputi yung babae. Halatang mayaman, pero 'la aking pake dun. Wala naman sa kayamanan 'yan ee. Tss!!

"Hindi.. Kahit nanjan siya o wala, itutuloy pa rin nating 'tong pagpapanggap natin." Hindi nalang ako sumagot sa sinabi niya at nakita ko nalang na papalapit na pala sila sa amin, kaya nauna naman kaming naglakad papunta sa living room nila. Nakarating sila sa loob at kasama pa rin nung babae ang mga bodyguard niya na sa tingin ko ay walang balak na iwan siya. Mukhang hindi kayang kidnappin 'toh.

"Oh! Tito, so is that your son? Lead amper tyson. If I'm not mistaken right?" Naku!! Mapapasabak tayo dito mga madla.

"Yes!" Ako na ang sumagot. Para naman may exposure. Diba!? Diba!? Tumingin naman siya sa akin at tinignan ako from head to toe. Sapakin kaya kitang babae ka?

"Excuse me? Am I asking you!?" Taas kilay niyang tanong. WTF?

"Nope!! But I just answered your question." Waaahhh!! Lakas ko dito ah? Hahaha..

"You answered my question, pero hindi naman ikaw ang tinanong ko. Ghad!! Ganito na pala ang mga taong hindi mabigyan ng exposure. Nakikisabat. Duh!?" Sabi niya at saka nagrolled eyes. Tusukin ko kaya 'yang mga mata mo nang magkaalaman na ha?

"Tss!! Tama na 'yan. Huwag mo ng patulan." Bulong sa akin ni lead, pero halatang nag-i-enjoy naman, dahil feeling yata niya na naaasar ako.

The Blackmailer Gangster (Snail Update)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon