TBG 63 : Farewell Party [Pt.3/Spin the bottle]

183 8 0
                                        

TBG 63 : Farewell Party [Pt.3/Spin the bottle]

Krypton's POV

Gabi na at nagtipon tipon na naman kami dito sa living room. Gustong makipag-open forum ng mga kaklase ko pero marami din ang umayaw. Takot sigurong magkaaminan. Haha! Last day na namin bukas kaya ngayon tinanong kami ni teacher kung saan daw ba kami mas nag-enjoy. May ilang nagsabi na doon sa pagbudol fight daw, karamihan at nag-enjoy sa mga laro. Yung iba sa sama-samang pagkain, doon sila nag-enjoy. Nakakatuwa lang. Ang saya din nitong farewell party namin. May bukas pa kaya sabi ni ma'am sa amin na dapat sabay sabay na daw kaming maligo lahat. Pumayag naman kami. Matapos ang pag-uusap usap namin ay maaga kaming pinatulog ni teacher, sumunod naman kami sa sinabi niya at pumunta na kami sa kanya kanyang kwarto.

~~*

Sunday 6:15AM

Lahat kami ay tahimik lang na nakaupo habang nag-aalmusal. Katabi ko si shine, puro babae kami na nandito sa mahabang table. Nandoon naman sa isang folding table ang lima (alam niyo na kung sino sila). Sila sila lang din ang magkakasama. Magkakaibigan talaga! Hindi naman sila malayo sa amin, kunting distansya nga lang 'yon kaya kitang kita ko sila at naririnig namin ang pag-uusap nila kahit mahina lang ang kanilang mga boses.

Si teacher nalang ang nakabantay sa amin ngayon dahil umalis na si teacher felly, kani-kanina lang. May emergency daw kaya napaaga ang uwi niya.

"Krypton, pakiabot nga nung pansit." Kinuha ko naman ang pansit na nasa tapat ko lang at ibinigay ko ito kay cleary na katabi lang ni shine. Tumingin ako kay shine at abalang abala sa pagkain. Mukha siyang gutom na gutom talaga. Uminom nalang tuloy ako ng tubig.

"Krypton, Can you please bring the water here?" Napatingin naman ako kay teacher lopez. Narinig at alam ko namang ako ang tinawag ni teacher lopez pero nagawa ko pang ituro ang sarili ko at sinigurado kung ako ba talaga ang inutusan ni teacher. Tumango nalang ako nung masigurado kong ako talaga. Malapit lang sa akin ang kusina kaya siguro ako ang napag-utusan ni teacher na kunin ang pitcher na may lamang tubig. Tumayo naman ako't tinungo ang ref saka kinuha ang tubig. Dahan dahan akong naglakad. Napatingin ako sa pwesto ni lead at nahuli ko siyang nakatingin na naman sa akin. Ano pang silbi ng pag-iwas niya ng tingin e' nahuli ko rin naman.

Maingat kong hinahawakan ang pitcher dahil babasagin 'to at medyo mabigat. Nakaalalay nga dito ang dalawa kong kamay. Papalapit na ako ng papalapit kay teacher nang biglang may pumatid sa akin. Nawalan ako ng balance at napahigpit ang hawak ko sa pitcher baka tuluyan ko kasing mabitawan at mabasag. Ako pa ang mapapagalitan. Napapikit nalang ako dahil akala ko tuluyan na akong babagsak at tuluyan na ring mababasag 'tong hawak ko.

Nang mapansin kong wala akong narinig na pagkabasag at sakit sa katawan ko ay unti-unti ko namang minulat ang mga mata ko at mukha kaagad ni lead ang bumungad sa akin. Nabingi naman ako sa hiyawan ng mga kaklase ko. Mukhang natauhan naman ako dahil ramdam ko ang lamig sa katawan ko, napaayos naman ako ng tayo at gano'n din siya. Nagpigil siyang magmura nang makita niyang basa ang damit niya. Gusto ko sanang humingi ng paumanhin kaso biglang sumulpot sa tabi ko si teacher.

"Krypton, are you okay?" May pag-aalala niyang tanong. Tumango nalang ako saka ngumiti. "Mabuti nalang nand'yan si lead na sumalo sa kanya." Mapanuksong turan ni shine kaya todo ayieee na naman ang mga kaklase ko.

"Nays ka lead, lakas makahero ang dating ah?" Natatawang turan ni neon.

"Ngayon krypton alam mo na, kapag nahulog ka sa kanya. Sasaluhin ka niya!" Naguluhan naman ako sa sinabi ni antimony.

The Blackmailer Gangster (Snail Update)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon