TBG 61 : Planning for farewell Party
Krypton's POV
Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang tinanong sa akin ni shine kahapon. Sabay kaming umuwi nun at habang naglalakad kami ay biglaan naman siyang nagtanong sa akin.
-----FLASHBACK-----
Kalalabas lang ngayon ni shine at bago pa ako makalapit sa kanya ay nauna niya akong nakita saka nilapitan. "Tara na!" Sabi niya kaya tumango nalang ako at sabay na kaming naglakad palabas ng school.
Medyo malayo na kami sa paaralan at patuloy pa din kaming naglalakad nang marinig ko ang pagtanong niya.
"Krypts, may posibilidad bang mahulog ka kay lead?" Awtomatiko naman akong napahinto sa paglalakad at biglaan akong nakaramdam ng pagkakaba. Hindi ko alam pero parang hindi ko masasagot ang tanong niya.
"A-ano bang klaseng tanong 'yan?" Medyo nauutal kong sabi sa kanya. Kayo ba naman tanungin ng gano'n, alam niyo namang minsan hindi ko makasundo si lead. Hindi ko nga alam kung magkaibigan kami, minsan naman niya akong inaasar eh. At kaya lang naman kami nagkakilala at naging mas malapit sa isa't-isa dahil siya lang ang nakakaalam kung ano ang meron kami ni grey noon. Naging malapit kami sa isa't-isa dahil sa ginagawa niyang pangbablackmail sa akin. Habang tumatagal mas lalo kong nakikilala kung sino siya at ano ang pagkatao niya. Though, alam kong ang mga kaibigan niya ang mas maraming alam tungkol sa buhay niya kesa sa akin.
"Wala lang! Sagutin mo na, katuwaan lang naman 'to. Posible bang mainlove ka sa kanya?" Nakangiti siya ng malapad habang sinasabi iyon. Napakibit-balikat naman ako dahil hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin o isagot sa tanong niya.
"Ay? Hindi mo alam? Pero aminin mo, nagagwapuhan ka sa kanya 'noh?" Hindi pa rin mawala ang mga ngiti niya habang sinasabi iyon.
"Ewan! Halika na nga. Marami pa akong gagawin." Sabi ko sa kanya at nauna nalang ako naglakad pero naramdam ko ang pagsunod at sabay niya sa akin.
-----END OF FLASHBACK-----
Kaya ngayon, bumabalik pa rin sa isip ko ang katanungan niya. Posible nga ba akong mainlove sa blackmailer gangster na 'yun? Na walang ibang ginawa kundi ang i-blackmail ako noon, at minsan ko ring makitang putok ang labi ng lalaking 'yun na sa aking palagay ay nakikipagsuntukan? Ang lalaking minsan nang ginulo ang buhay ko at minsan akong asarin, pikonin at pagtawanan? May posibilidad ba ang mga 'yun? Hindi ko alam! Napailing nalang ako dahil masyado naman akong napapaisip sa tanong na iyon. Pwede namang kalimutan pero ang problema ay bumabalik pa rin. Pinilit ko nalang mawala ang tanong na iyon sa aking isipan.
Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa aming classroom. Umuusod ang petsa sa kalendaryo kaya kaunting araw nalang at matatapos na din ang school year. Siguro limang araw nalang. Lunes ngayon kaya sa friday na magtatapos ang school year. Hindi na nagpupunta ang ibang guro namin dito. For sure, tapos na nilang ibigay ang mga grades namin sa aming adviser.
Maingay ang buong klase, maraming nagtatawanan ngayon, nagkukwentuhan, nag-aasaran, nagsusulat, nagpapatunog ng musics at kung ano-ano pang iba't-ibang gawain ang ginagawa ng aming mga kaklase. Maingay din ang grupo nila lead. Samantalang ako ay tahimik lang. Sino ba naman kasi ang kakausapin ko. Natapos nalang ang buong school year at wala man lang akong naging bestfriend sa classroom namin. Kaibigan? meron ako nun, yun nga lang hindi ko masyadong nakakausap. Loner ang dating ko nito. Okay lang 'yun! Sana'y na ako d'on!
BINABASA MO ANG
The Blackmailer Gangster (Snail Update)
AventuraHighest Ranking #5 A story of a Blackmailer Gangster who fell inlove with an ordinary girl.
